City of Imus

550 bag ng binhi ng palay, ipinamahagi


May 30


Nanguna si City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa pamamahagi ng 550 bag ng binhi ng palay sa 124 na magsasakang Imuseño nitong Mayo 30, 2024, na ginanap sa City Plant Nursery, City Ecological Village, Brgy. Malagasang I-G. Bahagi ito ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) - Seed Program ng Department of Agriculture upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang pagtatanim at pag-ani ng mga palay. Katuwang din dito ang City Agriculturist’s Office at si Konsehal Totie Ropeta na tagapangulo ng Komite ng Agrikultura at Kabuhayan at Repormang Pansakahan.


16 Imuseño nagtapos sa Farmers’ Field School on Urban Gardening


May 29


Matagumpay na nagsipagtapos ang 16 na mag-aaral ng Farmers’ Field School on Urban Gardening ng City Agriculturist’s Office nitong Mayo 29, 2024, na ginanap sa Wellness Center ng New Imus City Government Center.

More Info


Bagong pabahay sa Imus, sinimulan na


May 28


Ginanap ang groundbreaking ceremony ng itatayong mid-rise condominium housing project sa Imus nitong Mayo 28, 2024, malapit sa New Imus City Government Center sa pangunguna nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, kasama sina Department of Human Settlements and Urban Development Secretary Jose Rizalino Acuzar, Megawide Construction Corporation CEO at PH1 World Developers (PH1WD) Chairman at CEO Edgar Saavedra, at PH1WD President Gigi Alcantara.

More Info


NHCP, Imus ginunita ang Pambansang Araw ng Watawat at Ika-126 na Anibersaryo ng Labanan sa Alapan


May 28


Naging espesyal ang pagdiriwang ng Pambansang Araw ng Watawat at ng ika-126 na Anibersaryo ng Labanan sa Alapan nang pangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang paghawi sa tabing ng Bantayog ng Labanan sa Alapan ngayong Martes, Mayo 28, 2024, sa Alapan Rotonda, Brgy. Alapan II-B.

More Info


2nd Congressman AJ Cup Inter-mother Barangay Basketball Tournament, nagsimula na


May 25


Pormal nang binuksan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang Second Congressman AJ Cup Inter-Mother Barangay Basketball Tournament nitong Mayo 25, 2024, sa City of Imus Sports Complex, kung saan maglalaban-laban ang 20 koponan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

More Info


Kauna-unahang Regional Buntis Summit ng DOH–CHD Calabarzon, idinaos sa Imus


May 24


Inilunsad ng Department of Health (DOH)–Center for Health Development (CHD) Calabarzon ang First Regional Buntis Summit nitong Mayo 24, 2024, sa City of Imus Sports Complex bilang pagdiriwang sa “Safe Motherhood Week.”

More Info


Imus nakiisa sa International AIDS Candlelight Memorial Day


May 24


Isinagawa ng Imus City Health Office, katuwang ang Imus Reproductive and Wellness Center, ang isang candlelight memorial nitong Mayo 24, 2024, sa City of Imus Sports Complex para sa pag-alaala sa mga namayapa dahil sa sakit na AIDS at upang maitaas ang kamalayan at maitama ang maling impormasyon ukol sa naturang sakit at sa HIV.

More Info


MUNTING PARAISO SA IMUS: Pagbubukas ng kauna-unahang parke para sa mga Imuseño sa lahat ng edad


May 20


Opisyal na binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kauna-unahang parke para sa lahat ng mga Imuseño, higit sa mga senior citizen, sa pagbabasbas ng Juan Munti Park: Munting Paraiso nitong Mayo 20, 2024, na matatagpuan sa Tahimik St., Brgy. Toclong I-A.

More Info


2,440 siklista, lumahok sa kauna-unahang Shopwise Bike Fest


May 19


Umabot sa humigit-kumulang 2,440 batikan at baguhang siklista ang pumadyak sa kauna- unahang Shopwise Bike Fest noong Mayo 19, 2024, na ginanap sa Ayala Vermosa Sports Hub. Tampok ang pitong kategoryang para sa lahat, layon ng pinakamalaking event na idinaos sa nasabing sports hub ang mahikayat ang publiko na magbisikleta.

More Info


AKAP: 850 Imuseño nakatanggap ng P3,000 halaga ng pinansyal na tulong


May 18


Pinangunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang paglunsad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Imus nitong Mayo 18, 2024, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus.

More Info


KALOG Cleanup Drive isinagawa bago ang tag-ulan


May 17


Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pagsasagawa ng Kanal at iLOG (KALOG) Cleanup Drive sa Saradpon, Brgy. Pag-asa III at Tokwahan, Medicion II-B noong Mayo 17, 2024, bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.

More Info


Aksyon Center – Extension Office pinasinayaan ni Cong. AJ


May 13


Aksyon Center – Extension Office pinasinayaan ni Cong.

More Info


Imus LGU nakiisa sa Nationwide Road Clearing Operations


May 10


Sa pagtutulungan ng Liga ng mga Barangay (LNB) at Imus Task Force, matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Nationwide Road Clearing Operations noong Mayo 10, 2024, sa mga pangunahing kalsada sa Imus.

More Info


700 aso’t pusa, nakatanggap ng libreng kapon, microchip, at anti-rabies


May 9


Nakipagtulungan ang Imus City Veterinary Services Office sa Biyaya Animal Care para sa isang Veterinary Medical Mission noong Mayo 9, 2024 na ginanap sa Tishabet Fields, Brgy. Toclong II-A.

More Info


Empleya-GO! Productive Employment and Decent Work for Youth hatid ng Imus LGU



Kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga kabataan sa idinaos na “Empleya-GO! Productive Employment and Decent Work for Youth” seminar na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center bilang pakikiisa sa Araw ng mga Manggagawa.

More Info


Chikiting Ligtas 2024: Malawakang pagbabakuna kontra polio


May 3


Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Chikiting Ligtas Immunization Campaign 2024 noong Mayo 3, 2024 sa City Health Office (CHO) 3 – Greengate na pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at ng Imus CHO.

More Info


1st AJAA Invitational Softball Tournament inumpisahan


May


Matagumpay ang pagsisimula ng kauna-unahang AJAA Invitational Softball Tournament noong Mayo 4, 2024 sa City of Imus Grandstand and Track Oval.

More Info