City of Imus

Hakab na! Isang breastfeeding awareness month celebration sa Imus

August 31, 2022


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Ngayong breastfeeding month, nagbabalik sa ika-apat na taon ang Hakab Na! Breastfeeding Awareness Month Celebration ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-31 ng Agosto.

Sa pangunguna ng City Health Office, idinaos ang isang seminar na nagbibigay diin sa mga benepisyo at kahalagahan ng breastfeeding sa mga sanggol...

More Info


Imus City Librarian, hinirang na Most Outstanding sa 2022 Gawad Parangal

August 19, 2022


Pinarangalan si Ms. Rosena V. Roman, Imus City Librarian, ng Unang Gantimpala sa 2022 Gawad Parangal sa Natatanging Propesyunal na Tagapangasiwa ng Pampublikong Aklatan ng National Library at The Asia Foundation noong ika-19 ng Agosto.

Ito ay iginawad kay Ms. Roman dahil sa ipinakita niyang husay at dedikasyon para sa ikauunlad ng Pampublikong Aklatan ng Imus...

More Info


Mayor AA, dumalo sa 1st Convergence of Family of Servants ng LCP

August 16-18, 2022


CEBU CITY—Dinaluhan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kauna-unahang Convergence of Family of Servants ng League of Cities of the Philippines (LCP) mula ika-16 hanggang ika-18 ng Agosto.

Alinsunod sa temang “LCP Reimagined: Moving Forward. Unifying. Building Smarter Cities,” layunin nito na pagtibayin ang samahan ng pampubliko at pribadong sektor tungo sa pag-angat ng mga lungsod...

More Info


Mayor AA, kinilala ang mga nagsipagtapos sa Summer Reading Program ng Public Library

August 15, 2022


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Binati ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga kabataang Imuseño na matagumpay na natapos ang Summer Reading Program ng City Public Library sa awarding ceremony nito noong ika-15 ng Agosto.

Kaagapay rin ng programa ang Imus Youth Leadership Program (IYLDP) at ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation na pinangungunahan ni SK President Joshua Guinto...

More Info


Mayor AA, pinangasiwaan ang kauna-unahang Kasalang Imuseño

August 11, 2022


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Pinangunahan ni City Mayor Alex "AA" L. Advincula sa unang pagkakataon ang kasalan ng siyam na Imuseñong magkabiyak noong ika-11 ng Agosto.

Pinayuhan ni Mayor AA ang mga mag-asawa tungkol sa kahalagahan ng pagpapakumbaba ano mang pagsubok ang dumating sa kanila...

More Info


4 na bagong ambulansya ng CDRRMO, pinasinayaan

August 8, 2022


Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, isinagawa ang turnover at blessing ng apat na bagong ambulansya ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) noong ika-8 ng Agosto.

Naging bahagi rin ng blessing sina Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan at Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan...

More Info


Balik-Sigla, Balik-Eskwela: Inilunsad sa Imus kontra dengue

August 5, 2022


IMUS, Cavite—Bilang pakikiisa sa 2022 Brigada Eskwela, inilunsad ng Imus City Health Office (CHO) ang Balik-Sigla, Balik-Eskwela Program ng Department of Health (DOH)-CALABARZON, katuwang ang Department of Education (DepEd), sa tatlong pampublikong paaralan noong ika-5 ng Agosto.

Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagsisimula nito sa Gov. D.M. Camerino Integrated Elementary School, kung saan ibinahagi niya ang kahalagahan ng edukasyon.

More Info


Brigada Eskwela National Kick-off Ceremony, pinangunahan ng Imus

August 1, 2022


IMUS PILOT ELEMENTARY SCHOOL—Matagumpay na inilunsad ang 2022 National Brigada Eskwela (BE) Kick-off Ceremony, may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral,” ng Department of Education (DepEd) noong ika-1 ng Agosto.

Sa pangunguna ng Imus Schools Division Office (SDO) ni Dr. Rosemarie Torres, sinalubong ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula si Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte.

“Isang mainit na pagtanggap po sa aming Lungsod ng Imus. Kami po ay nabigla n’ung nasabihang mag-host ng kick-off dito sa Imus. Kung ano man po ang pagkukulang, kami po ay humihingi ng pasensya,” ani Mayor AA...

More Info