Sinalubong nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Committee Chairperson on Education Konsehal Igi Revilla Ocampo ang mga mag-aaral ng Imus Pilot Elementary School at Cayetano Topacio Elementary School sa pagsisimula ng pasukan nitong Hulyo 29, 2024.
Magkakasunod na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna nina Imus
City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, at ng
Department of Education, ang tatlong bagong pampublikong paaralan sa mga barangay
Malagasang at Maharlika nitong Hulyo 26, 2024, ilang araw bago magsimula ang pasukan sa
mgta pampublikong paaralan.
More Info
Personal na kinumusta nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ”
C. Advincula nitong Hulyo 23–26, 2024, ang mga pamilyang labis na naapektuhan dahil sa
pananalasa ng habagat na pinalakas ng Bagyong Carina.
More Info
Patuloy na naniniwala si City Mayor Alex “AA” L. Advincula na ang edukasyon ang susi sa kahirapan sa kaniyang mensahe sa kickoff ceremony ng Brigada Eskwela 2024 sa Lungsod ng Imus nitong Hulyo 19, 2024 na ginanap sa Alapan I Elementary School.
More Info
Sa pagtutulungan ng Imus City Public Library (ICPL) at Persons with Disability Affairs Office
(PDAO), sumailalim sa Basic Computer Literacy Training ang 13 Imuseñong may kapansanan
nitong Hulyo 16, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week
ngayong linggo.
More Info
Personal na iginawad ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 97 misting machines sa bawat
barangay sa Imus noong Hulyo 15, 2024, sa New Imus City Government Center.
Ayon kay Mayor AA, nakababahala ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa
lungsod. Kaya hinihikayat niya ang mga mamamayang makiisa sa paglilinis ng kani-kanilang
mga tahanan at kapaligiran tuwing ikaapat ng hapon.
More Info
Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hulyo 14, 2024 sa tahanan ng pamilya
Virata sa Brgy. Medicion II-C ang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng kapanganakan ni Dr.
Enrique T. Virata, isang Imuseño at kilalang edukador, matematiko, at estadistiko.
More Info
Inilunsad nitong Hulyo 13, 2024 ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang City Greening Program
sa pagtatanim ng 127 binhi ng banaba sa kahabaan ng Advincula Road, Brgy. Pasong Buaya I.
Ito ay pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula katuwang ang City Environment and
Natural Resources Office.
More Info