Sa pagtutulungan ng Liga ng mga Barangay (LNB) at Imus Task Force, matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Nationwide Road Clearing Operations noong Mayo 10, 2024, sa mga pangunahing kalsada sa Imus. Bahagi rin ng naturang operasyon sina LNB President Reymundo Ramirez, Department of the Interior and Local Government (DILG) City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo, at Task Force Head Simon Lara. Ang pagsasagawa ng road clearing operations ay alinsunod sa DILG Memorandum Circular No. 2024-053.