Binigyang-pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Second Annual Treasurer’s Night 2024 ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite nitong Nobyembre 28, 2024, sa City of General Trias, Cavite. Dahil ito sa tuloy-tuloy na pagpapadala ng Provincial Share on Real Property Tax ng lokal na pamahalaan ng Imus. Ang naturang parangal ay patunay rin sa katapatan ng pagseserbisyo sa lungsod. Tinanggap ang nasabing parangal ni Special Assistant to the Mayor Jeff Purisima at nina City Treasurer Manuel Reynold Dela Fuente at City Budget Officer Arlene DG Duminding na kinilala rin sa kanilang mga kontribusyon.
Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa mga ahensya ng gobyerno, naihatid sa mahigit 100 Imuseño ang P15,000 cash assistance sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP) nitong Nobyembre 28, 2024, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Nakasama rin dito sina Vice Governor Shernan Jaro, Board Member Ony Cantimbuhan, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at mga konsehal. Katuwang din sa programang ito sina Senador Pia Cayetano at Senador Alan Peter Cayetano. Ang SLP ay isang capacity-building program ng Department of Social Welfare and Development na layong matulungan ang mga kapos-palad na magkaroon ng panibagong mapagkukunan ng hanapbuhay.
Binigyang-pagkilala ng Philippine National Police CALABARZON noong Nobyembre 6, 2024, sa Calamba City, Laguna ang City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC) matapos makapagtala ng pinakamataas na bilang ng drug-cleared barangays, kinabibilangan ng 12 barangay, sa buong Lalawigan ng Cavite mula Enero hanggang Agosto 2024. Patuloy rin ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa rehabilitasyon ng mga sumuko mula sa paggamit ng ilegal na droga.
Kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 282 pamilyang nakaahon na mula sa kahirapan sa ginanap na Pugay Tagumpay ceremony ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) noong Nobyembre 26, 2024, sa City of Imus Youth Center. Sa pamamagitan nito ay patuloy na makatatanggap ang mga pamilyang dating bahagi ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng suporta mula sa lokal na pamahalaan upang maging tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang kalagayan sa buhay. Personal ding binati nina Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at dating konsehal Tito Monzon ang mga pamilyang nagsipagtapos. Ang 4Ps ay ang pambansang estratehiya ng pamahalaan na layong maiahon mula sa kahirapan ang mga pamilya sa loob ng pitong taon, ayon na rin sa Batas Republika Blg. 11310 o ang “4Ps Act.”
18-day Campaign to End VAW 2024 inilunsad ng Imus LGU
Buong puwersa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang nagpahayag ng suporta sa unang araw ng 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa pagsusuot ng mga lingkod bayan ng kasuotang kulay kahel nitong Nobyembre 25, 2024.
More Info
Matagumpay na natutong lumangoy ang 191 batang Imuseñong naging bahagi ng libreng swimming lessons ng Imus Athletic Camp sa idinaos na graduation ceremony nitong Nobyembre 23, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center na pinangunahan ng Local Council of Women (LCW). Personal na iginawad nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at LCW Chairperson Neri C. Advincula ang sertipiko ng mga nagsipagtapos. Naghandog din ang lokal na pamahalaan ng munting regalo, kabilang na ang swimming goggles, para sa mga bata. Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na higit na pagyamanin ng mga bata ang kanilang kakayahan sa paglangoy.
Sa inisyatiba ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, inilunsad ang programang “Eye Care for You: CONGkretong AJenda para sa malinaw na mAtA” nitong Nobyembre 21, 2024, sa Barcelona Phase 3 Annex, Brgy. Buhay na Tubig. Nasa mahigit 500 Imuseño ang naikonsulta ang kalagayan ng kanilang mga mata, kung saan nabigyan sila ng libreng konsultasyon, screening, eyedrops, at salamin sa mata, habang ang iba naman ay sumailalim sa cataract procedure. Patuloy ang paghahatid ni Cong. AJ ng programang Eye Care for You sa mga barangay sa Imus bilang bahagi ng kaniyang CONGkretong AJenda para sa mga mamamayang Imuseño.
Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pagpupulong sa iba’t ibang lupon ng lokal na pamahalaan ng Imus noong Nobyembre 19, 22, at 26, 2024, sa New Imus City Government Center.
More Info
Matagumpay na inilunsad ng UBE Express, sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Imus at The District Imus, ang kauna-unahang premium na point-to-point (P2P) bus service mula Imus patungo sa lahat ng terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Nobyembre 18, 2024, sa The District Imus, Barangay Anabu II-D.
More Info
Nagsagawa ng mga serye ng career talk ang Imus Public Employment Service Office (PESO) noong Oktubre 10 – Nobyembre 15, 2024, sa mga pampublikong paaralan sa Imus.
More Info
Muling nakatanggap ng pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang Top Performing City sa nakaraang 2024 SubayBAYANI Awards ng Department of the Interior and Local Government CALABARZON na ginanap noong Nobyembre 14, 2024, sa Tagaytay City, Cavite. Isa ang Lungsod ng Imus sa limang lungsod na nakatanggap ng naturang parangal, at isa sa 21 local government units (LGU) na kinilala bilang top performing LGU. Sa temang “Nexus of Progress: Honoring Infrastructure Trailblazers,” binigyang-pagkilala ngayong taon ang dedikasyon at kahusayan ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga progresibong imprastrakturang proyekto para sa ikauunlad ng kanilang mga nasasakupan.
Pinangunahan nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang paghahandog ng educational assistance na nagkakahalagang P5,000 sa 720 estudyante sa kolehiyo noong Nobyembre 14, 2024, sa Covered Court ng Dimasalang Subd., Brgy. Poblacion IV-C.
More Info
Iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang P100,000 at grocery package kay Nanay Consolacion Manipon sa pagdiriwang niya ng ika-100 kaarawan noong Nobyembre 11, 2024. Personal siyang binati nina Konsehal Mark Villanueva, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr., kasama ang Office of the Senior Citizens Affairs sa pangunguna ni Officer-in-charge Luzviminda Elbinias at ang Imus Senior Citizen Association Incorporated sa pangunguna ni President Aida Montemayor. Ang paggawad ng P100,000 sa mga edad 100 taon ay alinsunod sa Batas Republika Blg. 10868, o ang “Centenarian Act of 2016.”
Binigyang-pagkilala ng Philippine National Police CALABARZON noong Nobyembre 6, 2024, sa Calamba City, Laguna ang City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC) matapos makapagtala ng pinakamataas na bilang ng drug-cleared barangays, kinabibilangan ng 12 barangay, sa buong Lalawigan ng Cavite mula Enero hanggang Agosto 2024. Patuloy rin ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa rehabilitasyon ng mga sumuko mula sa paggamit ng ilegal na droga.
Nagbunga ang pagsusumikap ng 1,850 Imuseño nagtrabaho ng 10 araw sa pagsahod ng mga ito noong Nobyembre 6, 2024 sa pamamagitan ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa pagtutulungan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at ng Department of Labor and Employment (DOLE). Ang TUPAD ay isang community-based amelioration program ng DOLE na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa displaced, underemployed, at seasonal workers.
Sa isinagawang kick-off ceremony ng 2025 Dry Season Seed Distribution nitong Nobyembre 5, 2024, ng Department of Agriculture (DA) – PhilRice, katuwang ang Imus City Agriculture Services Office, tinatayang nasa 600 sako o 12,000 kilong binhi ng palay ang matatanggap ng mga magsasakang Imuseño.
More Info
Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-125 anibersaryo ng kapanganakan ni dating Gobernador Dominador M. Camerino noong Nobyembre 4, 2024, sa Old Imus Municipal Building.
More Info
Inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang mga bagong appliance sa walong eskwelahang mayroong special education (SPED) noong Nobyembre 4, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 25 kooperatibang malaki ang naging kontribusyon para sa ekonomiya ng Imus sa ginanap na 2024 Imus Galing Koop Awards and Recognition Day noong Nobyembre 4, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd), sinimulan na ng Imus City Health Office ang pagbabakuna kontra human papillomavirus (HPV), cervical cancer, measles, rubella, tetanus at dipterya sa mga pampublikong paaralan sa Imus mula noong Oktubre 16 – Nobyembre 29, 2024. Nabakunahan ang 2,985 grade 1 at grade 7 students kontra measles–rubella at tetanus–diphtheria, habang 692 kababaihang grade 4 students ang binakunahan laban sa HPV at cervical cancer. Sa kasalukuyan, nasa 3,677 grade 1, 4, at 7 students na ang nabakunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Inirerekomenda ng DOH na mabakunahan kontra measles–rubella at tetanus–diphtheria ang grade 1 at 7 students, habang bakuna kontra HPV at cervical cancer para sa mga kababaihang estudyanteng nasa grade 4.
Matagumpay ang naging pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Pambansang Buwan ng mga Bata 2024 ngayong Nobyembre na may temang “Break the Prevalence, End the Violence: Protecting Children, Creating a Safe Philippines!” sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa at ng Local Council for the Protection of Children (LCPC), sa pamumuno ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula.
More Info
Naging kAAlalay sa Undas ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng mga Imuseñong dumalaw sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay mula noong Oktubre 31–Nobyembre 2, 2024, sa iba’t ibang sementeryo sa Imus. Pinangunahan ng Office of the City Mayor, Office of the Congressman, Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office, at Imus City Health Office ang pag-alalay sa mga Imuseño sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng tubig, kape, wheelchair assistance, first aid, at phone charging. Kaagapay rin sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga Imuseño ang Imus Bureau of Fire Protection at ang Philippine National Police Imus.