IMUS, Cavite—Naghatid ng food packs at hot meals ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 322 pamilyang
inilikas ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) dahil sa banta ng Bagyong
Karding nitong Setyembre 25 at 26.
Personal na kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 79 na pamilyang pansamantalang nanuluyan
sa Tinabunan Elementary School...
More Info
IMUS SPORTS COMPLEX—Ipinamahagi nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman
Adrian Jay “AJ” Advincula ang educational assistance sa 510 Imuseñong pampublikong mag-aaral
noong ika-14 at 21 ng Setyembre.
Pinayuhan ni Mayor AA ang mga estudyante na mag-aral nang mabuti habang may pagkakataon dahil
ito ang susi tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap...
More Info
Ginawaran ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang apat na Imuseño centenarian ng 100 libong
piso noong Hulyo 19, Agosto 25, at Setyembre 19, 2022.
Kinilala ang centenarians na sina Dolores Talabut ng Brgy. Poblacion I-B, Emelina Diana ng
Brgy. Malagasang II-E, Adela Ramirez ng Brgy. Pag-asa I, at Tomasa Paredes ng Brgy. Anabu 2-D...
More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Ganap nang kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng Imus
ang 86 na organisasyon bilang Civil Society Organizations (CSOs) noong ika-19 ng Setyembre.
Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, binigyan ng certificate of
accreditation and selection of local special bodies ang CSOs matapos dumalo sa CSO
Conference noong ika-4 ng Agosto...
More Info
Upang mapadali ang paghahanap ng trabaho ng mga Imuseño, inilunsad ng Imus Public Employment
Service Office (PESO) ang Job Matching Program ngayong buwan ng Setyembre sa mga araw ng 2, 15, at 16.
Ginanap ang kauna-unahang Job Matching sa Imus City Government Center para sa Metro Gaisano,
The District – Imus...
More Info
Inilunsad ng City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial Development Office (CICLEDO) ang serye ng Livelihood Skills Training for Coop: “AArangkada Ang Kabuhayan Sa Kooperatiba” sa mga araw ng Setyembre 9 at 13 para sa Anabu Development Cooperative (ANADECO) at Damayan sa Cavite Community Multi-Purpose Cooperative (DACCO). Itinuro sa mga miyembro ng dalawang kooperatiba ang mushroom production at ang coffee frappe at milk tea making.
Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, kaagapay ang City Agriculture Services Office (CASO),
isinagawa ang ceremonial planting ng iba’t ibang pananim sa Demonstration Farm and Plant Propagation Area,
Brgy. Malagasang I-G noong ika-13 ng Setyembre.
“Suwerte ang Pilipinas, ang Imus, dahil ang ganda-ganda ng lupang ibinigay sa atin. Pero bilang gobyerno,
nandito tayo para sumuporta at tumulong,” ani Mayor AA...
More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER—Sa pakikipagtulungan ng Rotary International District 3810 ni Gov. Dr. Joyce Ambray
sa Embrace Philippines, nakatanggap ng 100 evacuation tents ang Pamahalaang Lungsod ng Imus noong ika-9 ng Setyembre.
Tinanggap nina City Administrator Jeffrey Purisima—sa ngalan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula—at Rotary
Club of Imus East Phenomenal Leader President at Konsehal Mark Anthony Villanueva ang mga naturang tent...
More Info
Sa pamamagitan ng Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO),
naipakilala kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang dalawang exhibitors ng SM Supermalls’
100 Days of Happiness noong ika-9 ng Setyembre.
Kinilala ang exhibitors na Blessing Seminary Bakeshop na mayroong benepisyaryo na Our Lady of
Pillar Seminary, at The Cooking Dad Bake and Brew na mayroong benepisyaryo na Tahanan ng Mabuting
Pastol at Save the Children Philippines...
More Info
IMUS, Cavite—Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-126 na taon ng Labanan sa Imus noong
ika-3 ng Setyembre sa pangunguna ng City Tourism and Development Office (CTDO).
Isang pagbabalik tanaw sa makasaysayan at pinakaunang makabuluhang labanan ng Rebolusyonaryong Pilipino...
More Info