City of Imus

TEENDig Center ng DOH, pinasinayaan sa Imus


August 31


IMUS National High School — Pinangunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang pagtindig para sa kalusugan ng mga kabataang Imuseño sa pagbubukas ng kauna-unahang TEENDig (Trustworthy. Engaging. Encouraging. Nurturing a place for adolescents. Dignity) Center ng Department of Health (DOH) sa Imus nitong Agosto 31, 2023.

More Info


Nanay na Imuseño, Hakab na! Year 4 ngayong Breastfeeding Awareness Month


August


CITYMALL Anabu — Idinaos ang Nanay na Imuseño, Hakab na! Year 4 nitong Agosto 30, 2023 sa pagtutulungan ng Imus City Health Office – Nutrition at ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa selebrasyon ng National Breastfeeding Awareness Month 2023 ngayong Agosto.

More Info


Pamamahagi ng relief goods ng Imus LGU sa 78 pamilyang inilikas dahil sa habagat


August 28


IMUS, Cavite — Namahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng relief goods nitong Agosto 28, 2023 sa 78 pamilyang pansamantalang inilikas sa limang evacuation sites bunsod ng pananalanta ng habagat na pinalakas ng Bagyong Goring.

More Info


Imus City Public Library, ginawaran ng Hall of Fame Award ng National Library


August 25


MANILA City — Pinarangalan ang Imus City Public Library ng Hall of Fame Award ng National Library of the Philippines at ng The Asia Foundation sa ginanap na 2023 Gawad Pampublikong Aklatan nitong Agosto 25, 2023.

More Info


80 batang Imuseño, nahasa ang kasanayang bumasa


August 7


IMUS City Government Center — Tagumpay ang pagkatutong bumasa ng 80 batang Imuseño sa tulong ng programang Tayo Na’t Magbasa: A Library Reading Program for Struggling Learners ng Imus City Public Library na nagtapos nitong Agosto 17, 2023.

More Info


Imus Birthing Home, nakapagpaanak na ng dalawang sanggol


August 16


IMUS, Cavite — Personal na binisita ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang dalawang kauna-unahang sanggol na ipinanganak sa City of Imus Birthing Home noong umaga ng Agosto 16, 2023.

More Info


30,000 school bags at supplies, ipinamahagi ng Imus LGU


August 15


IMUS, Cavite — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng bagong school bags at supplies sa humigit-kumulang 30,000 pampublikong mag-aaral ng daycare at elementarya nitong Agosto 15, 2023.

More Info


Imus Youth Month 2023: Usaping kapaligiran at klima


August


IMUS, Cavite — Sa pagtutulungan ng City of Imus Youth Affairs Office (YAO) at ng Imus Sangguniang Kabataan (SK) Federation, ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Buwan ng mga Kabataan ngayong Agosto 2023, kasabay ng pakikiisa sa taunang International Youth Day tuwing Agosto 12.

More Info


Imus kinilala sa ika-32 anibersaryo ng BJMPRO – CALABARZON


August 7


IMUS, Cavite – Tinanggap ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Plaque of Appreciation na iginawad sa kaniya ng Bureau of Jail Management and Penology Regional Office (BJMPRO) – CALABARZON nitong Agosto 7, 2023.

More Info


214 kilo ng posibleng kontaminadong karne, kinumpiska ng Imus Task Force Bantay Karne


August 4


IMUS, Cavite – Umabot sa 214 na kilo ng mishandled na karne ang nakumpiska ng Imus Task Force Bantay Karne, katuwang ang National Meat Inspection Service, matapos ang malawakang pagsisiyasat ng mga karne sa mga pamilihan noong Agosto 4, 2023.

More Info


AAngat Ang Imus City ID, inilunsad


August 4


IMUS, Cavite — Ipinalabas na ang bagong City ID ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Agosto 4, 2023 sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

More Info