IMUS, Cavite — Maingay, Makulay, at Masaya – ganito marahil mailalarawan ang pagdiriwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Tanglaw sa Paskong Imuseño ngayong Disyembre 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Personal na binigyang-pagkilala ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 333 Imuseñong nagpamalas ng husay at galing pagdating sa katalinuhan sa pamamagitan ng kauna-unahang Natatanging Imuseño Gawad Parangal ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na ginanap nitong Disyembre 18, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Hinalal na ang mga bagong opisyal ng Liga ng mga Barangay (LNB) sa Imus nitong Disyembre 15, 2023.
Pinangungunahan ito ni Kap. Reymundo G. Ramirez na nahalal bilang presidente.
More Info
IMUS City Plaza — Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa paggunita ng World AIDS Day sa pagdaos ng Imus Bortas “AKA" Machong Papas nitong Disyembre 14, 2023.
Saksi si City Mayor Alex “AA” L. Advincula at si City Health Officer Dr. Ferdinand Mina sa pasiklaban ng pitong kalahok, kung saan tatlo ang nagwagi.
More Info
MANILA, Cavite — Muling tinanggap ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Disyembre 14, 2023.
More Info
IMUS, Cavite — Matagumpay na nagtapos ang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) ng Philippine Commission on Women (PCW) mula noong Nobyembre 25 – Disyembre 12, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Katuwang ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang tulong pinansyal sa 281 Imuseñong may kapansanan noong Disyembre 11, 2023.
More Info
MANILA City — Muling ginawaran ng Seal of Excellence ang Pamahalaang Lungsod ng Imus matapos makamit ang Beyond Compliant rating o 2.58 rating sa Gawad KALASAG (KAlamidad at Sakuna LAbanan, SAriling Galing ang Kaligtasan) Seal for Local Disaster Risk Reduction and Management Councils and Offices (LDRRMCOs) Category ng 23rd Gawad KALASAG National Awarding Ceremony nitong Disyembre 11, 2023.
More Info
CITYMALL Anabu, Imus — Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Philippine Franchise Association, ginanap ang First Imus City Franchise Expo, na kauna-unahan din sa buong rehiyon ng CALABARZON, noong Disyembre 9, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Personal na iniabot ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang P15,000 halaga ng sari-sari store package sa 30 Imuseño sa pamamagitan ng programang “Pangkabuhayang AAsenso Ka” ng Imus Public Employment Service Office noong Disyembre 4, 2023. Katuwang sa pamamahagi si Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus. Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na sa pamamagitan nito ay matulungang makapagsimula muli ang mga Imuseñong walang trabaho, nagtitinda, solo parent, may kapansanan, at senior citizen.
CITY of Imus Sports Complex — Ginanap ang pinakamalaking pagtitipon ng mga alagang hayop sa lungsod sa ika-10 taon ng Imus Petstival noong Disyembre 2, 2023.
Sa pakikipagtulungan ng Imus City Veterinary Services Office sa Imus City Tourism and Heritage Office at BPI Cavite – North Palawan, nakilahok ang humigit-kumulang 400 Imuseño fur parents at kanilang fur children sa iba’t ibang aktibidad.
More Info
BUHAY na Tubig, Imus — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagbabasbas at pagbubukas ng bagong daan at tulay sa La Joya St., Bahayang Pag-asa, Brgy. Buhay na Tubig noong Disyembre 1, 2023.
More Info
IMUS, Cavite — Hinirang bilang First Runner-up ang City Information Office ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Best Environmental Practices Audio Visual-Making Contest (City Category) ng Manila Bay Clean-up, Rehabilitation, and Preservation Program (MBCRPP) CALABARZON noong Disyembre 1, 2023.
More Info