Sa ikatlong taon, umani ng pagmamahal ang sining sa Imus sa idinaos na “AAni ng Pagmamahal: Love Art Fair” ng Pamahalaang Lungsod ng Imus mula Pebrero 6 – 28, 2025, sa Imus City Plaza.
More Info
Sa tulong ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, nakatanggap ng libreng laboratory test ang 3,029 na Imuseño mula Pebrero 4–28, 2025. Tinatayang nasa 100 benepisyaryo ang nakapagpasuri sa City of Imus Diagnostic Laboratory at 30 benepisyaryo naman sa walong health centers. Patuloy ang pagtutulungan nina Cong. AJ at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula para sa ikabubuti ng kalusugan ng mga Imuseño.
Matatamis na mga kuwentong pagmamahalan ang nangibabaw sa pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ngayong Pebrero 1–28, 2025.
More Info
Kaagapay ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, matagumpay na ipinagkaloob ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang P10,000 halaga ng cash gift sa 102 Imuseñong senior citizens na 80, 85, 90, at 95 taong gulang nitong Pebrero 26, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center, kasabay ng nationwide inaugural cash gift distribution sa ilalim ng Expanded Centenarians Act of 2024.
More Info
Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, binigyang-pagkilala ang 13 drug-cleared barangays sa taong 2024 nitong Pebrero 26, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Kasabay ito ng pagdaraos ng unang itinakdang pagpupulong ng City Peace and Order Council (CPOC) at City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC) para sa taong 2025. Ibinahagi ng mga namumuno sa Imus Pulis, Bureau of Fire Protection Imus, Bureau of Jail Management and Penology Imus, City of Imus Traffic Management Unit, Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer, at civil society organizations na Anti-Violence Task Force, Philippine Rescue Volunteers Association, at Angat Imus Homeowners’ Alliance Inc. ang mga naisakatuparan nila noong nakaraang taon. Pagdating naman sa patuloy na laban sa ipinagbabawal na gamot, ibinahagi ng mga namamahala sa Community-Based Drug Rehabilitation Program ang kanilang mga napagtagumpayan noong 2024. Inilatag din ng parehong konseho ang kanilang mga plano para mapanatili at mapaigting pa ang kaligtasan, kapayapaan, at kahandaan sa mga sakuna ng mga Imuseño ngayong taon.
Matagumpay na naihatid ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang medical mission sa 661 Imuseñong senior citizens at may mga kapansanan nitong Pebrero 26, 2025, sa Barangay Anabu II-F. Inilapit sa mga benepisyaryo ang libreng konsultasyon, gamot, laboratory test, at bakuna kontra pneumococcal. Personal din silang kinumusta nina Vice Governor Shernan Jaro, Mayor AA, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Lloyd Jaro, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan. Kaagapay rin sa naturang medical mission ang tanggapan ni Governor Athena Tolentino, Office of the City Health Officer, at Imus Institute Batch ’86.
Matatamis na mga ngiti ang nasilayan sa mga Imuseñong benepisyaryo ng libreng pustiso na handog ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula nitong Pebrero 20, 2025, bilang paggunita sa National Dental Health Month. Katuwang sa pagkakaloob ng libreng pustiso si Dr. Dong Parnala ng Office of the City Health Officer. Ginugunita ang National Dental Health Month tuwing buwan ng Pebrero, alinsunod sa Proklamasyon Blg. 559, taong 2004. Tema ngayong taon ang “Pamilya, Una Kong Dentista: Ngiting 7020” na naghihikayat sa mga magulang na pag-ibayuhin ang pagpapanatili ng malusog na mga ngipin ng kani-kanilang mga pamilya sa kanilang mga tahanan.
Tinanggap ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang plake na naglalaman ng resolusyong kumikilala sa Imus bilang First-Class City nitong Pebrero 17, 2025, sa New Government Center ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.
More Info
Nakasama si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng 93 Barangay Nutrition Scholars sa kanilang pagpupulong nitong Pebrero 17, 2025, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Tinalakay dito ang bilang ng mga batang natimbang sa Operation Timbang at ang isinagawang micronutrient supplementation at deworming noong nakaraang taon. Kabilang din sa mga nangumusta sina Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Larry Nato, Konsehal Dennis Lacson, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Local Council of Women (LCW) – Imus, opisyal nang inilunsad ang proyektong “Salamin, Salamin Bigay ng Mayor Namin: Optical mission para sa mga batang Imuseño” nitong Pebrero 14, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Pinangunahan nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at LCW – Imus President Nerissa Advincula ang paghahatid ng libreng konsultasyon sa mata at libreng salamin sa humigit-kumulang 300 Imuseñong mag-aaral. Nakasama rin dito si Dr. Sarah Loquero – Alfar na nangasiwa sa pagsusuri. Nauna nang sinuri ang mga mata ng 150 bata noong Enero 20 sa Buhay na Tubig Elementary School. Isa lamang ito sa mga programa at proyekto ng administrasyong Advincula para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Imuseño.
Naging bahagi ng pagpupulong ng 420 barangay health workers (BHW) si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula nang dumalo ito noong Pebrero 10, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Napag-usapan dito ang pagsusuri sa mga pangangailangang medikal ng mga Imuseño, bukod sa bakunang kailangan ng mga bata, at ang pagtaas ng mga kaso ng dengue. Bahagi rin sa pagpupulong sina Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Larry Nato, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Totie Ropeta, dating Konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay (LNB) President AJ Sapitan Jr.
Sa layuning mahikayat ang mga kawani ng gobyerno na mapakinabangan ang Civil Service Commission (CSC) Learning Management System, inilunsad ng CSC ang malawakang pagrehistro sa Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Pebrero 10, 2025. Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagrehistro dito at pagtingin sa mga training na ibinibigay ng CSC. Nakibahagi rin ang mga department at unit head sa paggawa ng kanilang account sa CSC Learning Management System. Matatagpuan sa naturang learning management system ang iba’t ibang aralin patungkol sa serbisyo publiko, pamumuno, at pamamahala.
Nakibahagi si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa pagtitipon ng 167 Gender and Development (GAD) focal persons noong Pebrero 5–7, 2025, sa New Imus City Government Center para sa GAD Planning and Budgeting Workshop for Barangay Level. Tinalakay nina Prof. King David Agreda at Maria Corazon del Mundo, MNSA ang Basic GAD Concepts at Republic Act No. 9710, o Magna Carta of Women. Ipinaliwanag din nila kung paano pa malilinang ang kamalayan ng mamamayan sa kahalagahan ng iba’t ibang kasarian, paghasa sa teknikal na kasanayan para sa pagbabalangkas ng gender-sensitive na mga plano at pondo, at ang panghihikayat sa mga mamamayan na makiisa sa pagsulong ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Nakasama rin dito sina City Administrator Larry Monzon, GAD Officer-in-Charge Doris Sagenes, at department at unit heads.
Mahigit 300 Imuseño ang sinuri ang mga mata sa ginanap na libreng konsultasyon na pinangunahan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula noong Pebrero 7, 2025, sa New Imus City Government Center. Bukod sa pagsusuri, binigyan din ang mga benepisyaryo ng eyedrops at libreng salamin. Tuloy-tuloy ang pag-iikot ng tanggapan ni Cong. AJ para maihatid ang Eye Care for You: CONGkretong AJenda sa bawat Imuseño.
Muling nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa World Read Aloud Day (WRAD) nitong Pebrero 5, 2025, na ginanap sa Alapan I Elementary School, sa pangunguna ng City of Imus Public Library (CIPL).
More Info
Nag-alay ng bulaklak sa panandang pangkasaysayan ng 13 martir ng Imus na matatagpuan sa Imus City Plaza ang Office of the City Tourism and Heritage Officer noong Pebrero 4, 2025, sa Ika-80 Anibersaryo ng Liberasyon ng Imus mula sa mga Hapones. Kinilala ang 13 martir na sina Col. Fidel Narciso Cruz, Mayor Elpidio Ilano Osteria Sr., MD, Dr. Andres Virata Dominguez, Dr. Modesto Topacio Mascardo, Dr. Lazaro Ramos Ilano, Dr. Jose Ramirez Sapinoso, Benigno Rementilla Manela, Reynaldo Crisostomo Buenaventura, Jose Ramos Ramirez, Mauricio Topacio Reyes, Alfredo Ramirez Reyes, Modesto Sarao Virata, at Gregorio Ramirez Rodriguez. Ipinamalas ng mga hukbong Pilipino at Amerikano ang kanilang tapang nang pasabugin ng mga ito ang arsenal na pinagkubkuban ng mga Hapones gamit ang gasolina at granada. Ang makasaysayang tagumpay na ito ay naging dahilan sa tuluyang paglaya ng Imus mula sa Imperyalismong Hapon.