Naki-senti at nakipagrakrakan ang humigit-kumulang 55,000 katao sa “AAlab Imus Summer Music Fest 2024” na handog nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, nitong Abril 27, 2024 sa City of Imus Grandstand and Track Oval.
More Info
Pumagaypay ang mga saranggola sa himpapawid ng Imus sa kauna-unahang Pupugayo Festival, may temang "Explore and Love Imus," ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng City Tourism and Heritage Office (CTHO), na ginanap nitong Abril 27, 2024 sa Heritage Park, Alapan II-B.
More Info
Personal na kinumusta nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang 12 pamilyang biktima ng sunog sa Paeso Compound, Brgy. Medicion II-E nitong Abril 25, 2024.
More Info
Sa mungkahi ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, opisyal na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) Imus, sa pangunguna ni Chief Officer PLTCOL Jack Angog, ang 137 bagong uniporme mula sa Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Abril 22, 2024. Kinabibilangan ito ng pitong Special Weapons and Tactics (SWAT) uniforms at 130 opisyal na uniporme ng PNP. Nakasama rin sa paghandog si Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus.
Bilang pakikiisa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Earth Day 2024, iginawad nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus ang 50 bagong eco-carts at dalawang bagong eco cabs sa eco-aides ng mga barangay sa Imus nitong Abril 22, 2024.
More Info
Muling naghatid ng pag-asa si Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa mga Imuseñong may kapansanan at senior citizen sa pamamagitan ng mga bagong wheelchair noong Abril 19, 2024.
Personal na binisita ni Cong. AJ ang limang benepisyaryo at naghandog ng grocery package, bigas, at tulong pinansyal na maaari nilang magamit sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
More Info
Sinalubong ng mga lingkod bayan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga kinatawan ng Negros Oriental Provincial Engineering Office (PEO) sa kanilang pagbisita sa lungsod para sa isang benchmarking nitong Abril 18, 2024.
More Info
Tagumpay ang Malagasang na depensahan ang kanilang kampeonato sa puntos na 6–1 kontra Tanzang Luma sa finals ng 2024 Inter-barangay 2nd AJAA Cup Softball Tournament na ginanap noong Abril 14, 2024 sa City of Imus Grandstand and Track Oval.
More Info
Isang buwan matapos magtrabaho ng 1,649 na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD), personal na iniabot ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang kanilang sahod sa pamamagitan ng isang payout noong Abril 12, 2024 sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa
Pamahalaang Lungsod ng Imus, nakatanggap ng grocery package at bigas ang humigit-
kumulang 500 Imuseñong Muslim sa mga barangay Bayan Luma II at Tanzang Luma I noong
Abril 8, 2024.
More Info
Muling ginanap ngayong taon ang Sun Life Cycle PH sa Vermosa, Lungsod ng Imus nitong Abril
7, 2024 na layong mahikayat ang buong pamilyang magbisikleta.
Tampok ang pitong kategoryang pangpamilya, nakasamang magbisikleta ng 1,385 kalahok ang
sikat na aktor na si Piolo Pascual at ang batikang mamamahayag na si Kara David.
More Info
Ganap nang nagtapos ang 362 mag-aaral mula sa 22 vocational programs ng City College of
Imus (CCI) noong Abril 5, 2024 na ginanap sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Inilapit ng Cavite Career Caravan ang humigit-kumulang 8,000 job vacancies sa mga
Imuseñong naghahanap ng trabaho noong Abril 5, 2024 sa Robinsons Imus.
Sa 244 na aplikante, 17 rito ang natanggap agad sa trabaho. Nakasama rin ang 43 kumpanya
at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
More Info
Pormal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Seal of Child-friendly Local
Governance noong Abril 4, 2024 sa City of Carmona, Cavite.
Isang patunay na tuloy-tuloy ang pagsasagawa nito ng mga programang nagbibigay-prayoridad
sa kapakanan at pag-angat ng mga bata at kabataang Imuseño.
More Info