Kasabay ng pagdiriwang ng ika-13 Anibersaryo ng pagiging Lungsod ng Imus, pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong halal na opisyal ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa isang makasaysayang seremonya na ginanap noong Hunyo 30, 2025 sa New Imus City Government Center.
More Info
Pormal na binuksan noong Hunyo 30, 2025 ang Imus City Central Police Station at Imus City Central Fire Station na ginanap sa Open Canal Road, Barangay Malagasang 2C.
More Info
Sa pagtutulungan ng City of Imus Sports Development Unit (CISDU) at Imus Schools Division Office, nabigyan ng bagong sapatos ang mga kabataang atletang Imuseño nitong Hunyo 27, 2025 na ginanap sa Function Hall, New Imus City Government Center.
Isa itong pagbibigay-pugay sa mga atletang kumatawan sa Lungsod ng Imus sa larangan ng softball, athletics, at chess sa Palarong Pambansa 2025.
Binigyang-pagbati ang mga atleta ni Sangguniang Kabataan Federation President Konsehal Glian Ilagan. Kasama rin sa programa sina Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Dennis Lacson, Kosehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Shernan Jaro, CISDU Officer-in-Charge Jericho Reyes, at Schools Division Superintendent Homer N. Mendoza.
Ang Aksyon Atleta Grassroots Program ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kumikilala at sumusuporta sa mga natatanging galing ng mga kabataang Imuseño sa iba't ibang larangan ng sports.
More Info
Bilang pagbibigay-pugay para sa lakas at katatagan ng solo parents, naging matagumpay ang isinagawang selebrasyon para sa solo parents na may temang “Solo Parent na Rehistrado, sa Gobyerno Tiyak na Suportado” na ginanap nitong Hunyo 26, 2025, sa City of Imus Sports Complex. Naghatid ng iba’t ibang aktibidad ang Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) para sa 420 rehistradong solo parents na nakilahok sa programa. Naging bahagi ng programa si Sr. Cooperative Dev’t Specialist Jacquilyn V. Lara upang talakayin ang kaalaman sa pananalapi, habang pinangunahan naman ni Dr. Cherrie Lyn Tumilba-Boque ng Office of the City Health Officer ang Mental Health Forum para sa mga solo parents. Samantala, kinumusta nina City Mayor Alex "AA" L. Advincula, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Wency Lara, at Punong Barangay Aldrin O. Progoso ang mga solo parents at nagbigay rin ng inspirasyonal na mensahe sa kanila. Handog din nina Konsi Wency, kasama ang PhilHealth, City College of Imus, Public Employment Service Office, at KATINKO ang iba pang libreng serbisyo.
Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan 2025 sa Luneta Park, Manila noong Hunyo 12, 2025.
More Info
Matapos ang limang linggo ng “Tayo na’t Magbasa!: A Library Reading Program for Struggling Learners” na inihandog ng Office of the City Mayor - City of Imus Public Library (OCM-CIPL), idinaos ang awarding ceremony para sa humigit-kumulang 100 batang napagtagumpayan ang pagbabasa noong Hunyo 11, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Dinaluhan ang selebrasyon nina Imus City Vice Mayor Homer Saquilayan, Officer-in-Charge Larry Monzon ng Office of the City Administrator, Sangguniang Kabataan Federation Vice President Cedrick Amos Barco, at ang Focal Person Rico Renze Regala ng City of Imus Council for the Protection of Children (CICPC). Nagbigay rin sila ng inspirasyonal na mensahe sa mga bata. Nakatanggap din ng sertipiko at token ang mga nakilahok mula sa CICPC. Ang “Tayo Na’t Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learners” ay taunang isinasagawa ng OCM-CIPL para mahasa ang mga batang Imuseñong hirap bumasa.
Bilang parte ng mga hakbangin sa pangangalaga ng kalikasan, nagsagawa ng River Clean-Up Drive ang UNIQLO Philippines at ang Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) sa Ragatan, Brgy. Anabu I-G noong Hunyo 9, 2025. Nagkaisa ang 84 na boluntaryo sa paglilinis ng ilog para sa kaayusan ng tubig na dumadaloy rito. Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagsasagawa ng mga aktibidad na magtataguyod sa kalinisan ng mga ilog at ng buong lungsod.
Sama-samang nakilahok ang 74 na youth representatives mula sa iba’t ibang barangay sa idinaos na Children’s Congress na may temang “Empowering Young Voices: Building Safe, Inclusive, and Child-Friendly Communities” noong Hunyo 6, 2025, sa City of Imus Youth Center. Naging bahagi ng Children’s Congress ang Child Participation and Partnership Officers na sina Florida Radam at Geo Cabaron ng Save the Children Philippines. Ang Children’s Congress ay nahahati sa dalawang sesyon na kung saan parte ng talakayan ang pagbibigay-unawa sa child representatives ng kanilang karapatan at tungkulin, kasama ang kanilang pakikilahok sa Barangay Council for the Protection of for Children (BCPC). Sa mga ganitong pagtitipon, mas nabibigyang-diin ang kahalagahan ng boses ng mga kabataang Imuseño.
Iginawad sa Ospital ng Imus ang “Exemplary Award” sa ginanap na Newborn Screening (NBS) Awarding Ceremony ng Department of Health - Center for Health Development CALABARZON at NBS Center - Southern Luzon bilang pagkilala sa huwarang pagganap sa saklaw at kalidad ng NBS sa loob ng taong 2023 - 2024. Sa pamamagitan nito, naipamalas ng Lungsod ng Imus ang kahusayan sa pag-angat ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan na nagsisimula mula pagkapanganak buhat sa sinapupunan ng mga ina para sa mga Imuseño.
Sa magkasunod na taon, nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Seal of Child-Friendly Local Governance mula sa Department of Interior and Local Government. Patunay sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang makatutulong para mapaunlad ang kapakanan ng mga batang Imuseño. Magugunitang pumasa sa 2022 Seal of Child-Friendly Local Governance Audit ang Pamahalaang Lungsod, kasama ang 65 lokal na pamahalaan sa Calabarzon.