City of Imus

National Women’s Month 2023: Inklusibong Imus para sa lahat ng kasarian

March 2023


IMUS, Cavite — Sa pangunguna ng Gender and Development Unit (GAD), nakibahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Kababaihan ngayong Marso 2023 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa at aktibidad na nakasentro sa mga kababaihan. Inumpisahan ng GAD ang buwan sa pag-anunsyo ni Ms. Shella Dy ng mga programang ilulunsad ng kanilang tanggapan para sa mga Imuseño noong Marso 6, kasabay ng pagsasagawa ng regular na flag raising ceremony tuwing Lunes.

More Info


Inter-barangay 1st AJAA Cup Softball Tournament, inilunsad sa Imus

March 25, 2023


IMUS GRANDSTAND AND TRACK OVAL — Pinasinayaan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, at Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula ang kauna-unahang Inter-barangay AJAA Cup Softball Tournament nitong Marso 25, 2023 sa pagtutunggali ng apat na koponan mula sa iba’t ibang barangay sa Imus.

More Info


66 na ISFs, may sarili nang lote ng bahay

March 13, 2023


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng sertipikasyon at paggawad ng mga nakatalagang lote sa 66 na informal settler families (ISFs) nitong Marso 13, 2023.

More Info


Night Market Agricultural Trade Fair ng mga magsasakang Imuseño

March 10, 2023


IMUS CITY PLAZA — Tampok ang ani ng magsasakang Imuseño, inilunsad ng City Agriculture Services Office (CASO) ang Night Market Agricultural Trade Fair noong Marso 10, 2023, kaagapay ang City Tourism and Development Office (CTDO).

More Info


Sunod-sunod na TUPAD Orientation, idinaos sa Imus

March 2023


IMUS, Cavite — Upang maihanda ang mga manggagawang Imuseño sa kanilang pansamantalang trabaho, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus at ang Department of Labor and Employment (DOLE) Cavite Provincial Office ng serye ng mga oryentasyon para sa programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) noong Marso 7, 8, at 20, 2023 sa Imus Sports Complex at sa Imus City Government Center.

More Info


Araw ng pasasalamat at kumustahan sa mga Bantay Kalikasan ng Imus

March 9, 2023


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Isang salu-salo ang inihanda ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa 210 eco-aides ng Bantay Kalikasan noong Marso 9, 2023, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula.

More Info


Imus RCD AJAA Spikers, kampeon sa CBL Inter-Town Mens Volleyball Season 1

March 5, 2023


UGNAYANG LA SALLE, Dasmariñas — Tagumpay ang Imus RCD AJAA Spikers na makuha ang kampeonato noong gabi ng Marso 5, 2023 sa Game 2 ng kanilang laban kontra Dasmariñas Green Spikers sa Cavite Ballers League Inter-Town Volleyball Season 1 Championship.

More Info