Bilang pakikiisa sa Rabies Awareness Month, nagsagawa ang Office of the City Veterinarian ng malawakang pagbabakuna nitong Marso 26, 2025, na ginanap sa Montefaro West Covered Court, Brgy. Alapan I-B.
More Info
Pinangunahan ng Office of the City Environment and Natural Resources Officer (OCENRO) at Maynilad ang paglilinis sa mga daluyan ng tubig sa Imus sa pagdiriwang ng World Water Day noong Marso 22, at sinundan ng tatlong araw na talakayan tungo sa malinis na tubig noong Marso 25–28, 2025.
More Info
Pormal na iginawad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa Bureau of Fire Protection (BFP) ang bagong trak na inihandog ng Department of the Interior and Local Government (DILG), kasabay ng pagbabasbas nitong Marso 24, 2025, sa New Imus City Government Center. Dinaluhan ito nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, mga konsehal, City Fire Marshal FCInsp Hayceeline Obligar, at Rev. Fr. Tony Laureta na nanguna sa pagbabasbas. Bahagi ng mga binasbasan ang anim na bagong motorsiklo na iginawad din sa nasabing ahensya.
Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-128 anibersaryo ng Labanan sa Pasong Santol nitong Marso 24, 2025, sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa panandang pangkasaysayan nito na matatagpuan sa Brgy. Anabu 2-E at ang bantayog na inialay sa mga naging bayani ng labanang ito sa Brgy. Anabu 2-F.
More Info
Binigyang-pugay ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga naging kontribusyon ni dating punong lungsod Jose Virata Jamir sa paghahawi ng tabing ng kanyang marker at pagpapasinaya sa Jose Virata Jamir Street nitong Marso 18, 2025, kasabay ng ika-101 anibersaryo ng kanyang kapanganakan.
More Info
Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-170 anibersaryo ng kapanganakan ni Kol. Jose S. Tagle noong Marso 18, 2025.
More Info
Pangangalaga sa kalusugan ng mga buntis ang sentro ng ginanap na Buntis Summit nitong Marso 17, 2025, sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Opisyal na inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang programang Libreng Sakay mula Old City Hall, Brgy. Poblacion IV-B at mula Jade Residences papuntang New Imus City Government Center, Brgy. Malagsang I-G nitong Marso 17, 2025. Ang Libreng Sakay ay tumatakbo mula Old Imus City Hall mula 9:30 A.M. hanggang 4:30 P.M. tuwing Lunes hanggang Biyernes. Bumabiyahe naman ang e-trike mula Jade Residences Lunes hanggang Biyernes mula 9:00 A.M. hanggang 6:00 P.M. Sa pamamagitan nito, mas mapadadali na ang pagpunta ng mga Imuseño sa naturang tanggapan.
Sa pakikipagtulungan kina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, bumisita ang GMA Kapuso Foundation para maghandog ng anti-dengue kit sa humigit-kumulang 1,000 residente ng mga barangay Malagasang I-F at I-G noong Marso 11, 2025.
More Info
Ipinagdiwang ng City of Imus Public Library ang ika-66 na Araw ng Pampublikong Aklatan sa pagpili ng mga bagong library ambassador noong Marso 10, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Wagi ang 147 kabataang atletang Imuseño na masungkit ang 60 medalya sa nagdaang 2025 Regional Athletic Association Meet (RAAM) na ginanap sa lalawigan ng Rizal noong Pebrero 28 hanggang Marso 8, 2025. Sa tala, nag-uwi ang mga atleta ng 18 gintong medalya, 16 na pilak na medalya, at 26 na medalyang tanso.
Sa unang pagkakataon, naiuwi ng Bahayang Pag-asa ang kampeonato sa pagtatapos ng Ikatlong Congressman AJ Cup Inter-Mother Barangay Basketball Tournament noong Marso 6–7, 2025, sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, idinaos ang 1st quarter meeting ng City of Imus Council for the Protection of Children (CICPC), ang Saving Manila Bay Task Force, Solid Waste Management Board and Local Housing Board Joint Meeting, Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at 1st City Inter-Agency Meeting noong Marso 4, 24, at 25, 2025, sa New Imus City Government Center.
More Info
Opisyal na sinalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Buwan ng mga Kababaihan sa lingguhang pagtataas ng watawat ng Pilipinas noong Marso 3, 2025.
More Info
Sampung kaibig-ibig, makahulugan, at malikhaing obra ng mga Imuseño ang personal na pinarangalan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa pagtatapos ng painting contest na “SiningSinta: Likha ng Pusong Imuseño” noong Marso 3, 2025, sa New Imus City Government Center.
More Info