CITY of Imus Grandstand and Track Oval — Tinatayang umabot sa 55,000 Imuseño ang umalab ang gabi sa AAlab Imus Summer Music Fest 2023 nitong Abril 29, 2023. Handog ito ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula para sa mga Imuseño, higit sa mga kabataan... More Info
IMUS City Government Center — Mahigit isang linggo bago isagawa ang malawakang pagbabakuna kontra Tigdas, Rubella, at Polio, idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kick-off ceremony ng Measles-Rubella at Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR-OPV SIA) nitong Abril 24, 2023 sa pangangasiwa ng Imus City Health Office (CHO). More Info
IMUS, Cavite — Sa mungkahi ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng Earth Day 2023 nitong Abril 22, 2023, sa pamamagitan ng paglunsad sa Balik Basket at Bayong Program at sa pagsasagawa ng sabayang paglilinis sa mga barangay sa Imus. More Info
IMUS Sports Complex — Opisyal nang nag-umpisa ang First Congressman AJ Cup Inter-cluster Basketball Tournament, kalahok ang siyam na clusters sa Imus at ang Team AJAA nitong Abril 22, 2023, sa pamamagitan ng pondong nagmula mismo kay Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula, katuwang ang Imus City Sports Development Unit. More Info
MALAGASANG I-G, Imus — Pormal nang pinasinayaan ng Imus City Agriculture Services Office at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG) sa Barangay Project nitong Abril 20, 2023. More Info
IMUS City Government Center — Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, muling nakatanggap ng full scholarship at ng educational assistance ang 211 Imuseñong mag-aaral nitong Abril 19, 2023. More Info
IMUS, Cavite — Umarangkada na ang medical mission na pinangungunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula nitong Abril 18, 2023, sa SM Center Imus para sa mga barangay na bahagi ng Cluster 1. More Info
IMUS City Government Center — Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Department of Labor and Employment (DOLE) CALABARZON, nakatanggap ang 13 Imuseño ng Nego-Karts noong Abril 13, 2023. More Info
IMUS Sports Complex — Matagumpay na nagsipagtapos ang 426 na estudyante ng City College of Imus (CCI) mula sa Technical Vocational Department nito noong Abril 12, 2023. Nagbigay-pagbati sa graduates sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, Panauhing Pandangal na si Mr. Jethro Azul Roasa, at Committee Chairperson on Education na si Konsehal Igi-Revilla Ocampo. Sa kasalukuyan, 22 kurso ang libreng ibinibigay ng Technical Vocational Department ng CCI para sa pagpapabuti ng kasanayan ng mga Imuseño.