City of Imus

Empleya-GO! Productive Employment and Decent Work for Youth hatid ng Imus LGU



May



Kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga kabataan sa idinaos na “Empleya-GO! Productive Employment and Decent Work for Youth” seminar na ginanap sa Function Hall ng New Imus City Government Center bilang pakikiisa sa Araw ng mga Manggagawa.

Sa pakikipagtulungan ng City of Imus – Youth Affairs Office (YAO) sa Imus Public Employment Service Office at sa Local Council for the Protection of Children, layon ng nasabing seminar ang maipaalam sa mga kabataan ang kasalukuyang estado ng pagtatrabaho sa bansa at ang mga isyung may kaugnayan sa mababang sahod at diskriminasyon sa trabaho.

Ibinahagi ni Anne Faye Gloria ng Department of Labor and Employment sa mahigit 200 kabataan ang Labor Code of the Philippines at ang employment trends.

Nagbigay rin ng mensahe sina City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Board Member Chelsea Sarno, Sangguniang Kabataan Federation President Glian Ilagan, Imus YAO Officer-in- Charge Jericho Reyes, at PESO Manager Leng Casing.