Nakipagtulungan ang Imus City Veterinary Services Office sa Biyaya Animal Care para sa isang Veterinary Medical Mission noong Mayo 9, 2024 na ginanap sa Tishabet Fields, Brgy. Toclong II-A. Sa 700 alagang aso at pusa, 300 dito ang nakapon, 200 ang nabigyan ng microchip, at 200 ang naturukan ng bakuna kontra rabis. Nakasama rin ang Vitality, Pawnec Philippines, Petdentity, at si Konsehal Totie Ropeta na naghandog ng munting regalo sa mga beterinaryo, kaagapay ang Imus City Tourism and Heritage Office. Nakatanggap din ang fur parents ng libreng taho mula kay Konsehal Enzo Asistio at libreng ice cream mula kay Konsehal Sherwin Comia. Patuloy naman ang paghahatid ng Imus City Veterinary Services Office ng libreng bakuna kontra rabis para sa mga aso at pusa sa iba’t ibang barangay sa Imus.