Iba’t ibang produktong halal ang mabibili sa The District Imus sa opisyal na pagbubukas nitong
Abril 29, 2025, kasama ang mga Imuseñong Muslim.
More Info
Opisyal nang binuksan ang pinakabago at ang pinakamalaking Landers sa bansa na
matatagpuan sa Vermosa, Lungsod ng Imus nitong Abril 23, 2025.
More Info
Mura at abot-kayang produktong lokal ang nabili ng mga Imuseño sa muling pagdating ng
KADIWA ng Pangulo sa Lungsod ng Imus noong Abril 11, 2025, sa Brgy. Pasong Buaya II.
More Info
Sa paggunita ng ika-83 Araw ng Kagitingan, nag-alay ng bulaklak ang Office of the City Tourism and Heritage Officer sa panandang pangkasaysayan ng 13 martir sa Imus noong Abril 8, 2025, bilang pagbibigay-pugay sa kabayanihan at katapangan ng mga martir nang sila ay dakpin ng mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Taunang ginugunita ang Araw ng Kagitingan upang alalahanin ang mga buhay na ibinuwis ng mga sundalong Pilipino para depensahan ang bansang Pilipinas noong Abril 9, 1942.
Makulay, malikhain, maaliwalas — ganito mailalarawan ang pag-angat ng mga saranggola sa
dalisay na himpapawid ng Imus sa ikalawang paglipad ng Pupugayo Festival noong Abril 5,
2025, na ginanap sa Vermosa.
More Info
Pormal nang natanggap ng 301 mag-aaral ng City College of Imus (CCI) ang kanilang
sertipikasyon sa 16 na technical at vocational courses sa ginanap na commencement exercises
noong Abril 4, 2025, sa City of Imus Sports Complex.
More Info