City of Imus

KALOG Cleanup Drive isinagawa bago ang tag-ulan



May 17



Pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pagsasagawa ng Kanal at iLOG (KALOG) Cleanup Drive sa Saradpon, Brgy. Pag-asa III at Tokwahan, Medicion II-B noong Mayo 17, 2024, bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.

Kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng mga konsehal ang nasabing paglilinis na pinangunahan ng river rangers ng Imus City Environment and Natural Resources Office at ng Engineering Action Team ng Imus City Engineering Office.

Hangad ni Mayor AA at ng river rangers na maging kaisa ang mga Imuseño sa kalinisan ng mga daluyan ng tubig sa lungsod upang maiwasan ang pagbaha tuwing tag-ulan.