IMUS City Government Center — Natutunan ng 289 na kabataang Imuseño ang mahahalagang
kaalaman sa pagsisimula at pagpapatakbo ng negosyo sa ginanap na “AArangkada ang
Negosyanteng Kabataan: Junior Business Leader Summit 2023” nitong Setyembre 26, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang programang
Livelihood Skills Training for Persons with Disabilities (PWDs) nitong Setyembre 20, 2023 sa
pagtutulungan ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ng City of Imus Cooperative,
Livelihood and Entrepreneurial and Enterprise Development Office (CICLEDO).
More Info
IMUS City Government Center — Idinaos ng Sangguniang Panlungsod ng Imus, sa
pangunguna ni City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, nitong Setyembre 19, 2023 ang public
hearing patungkol sa pagbabago ng halaga ng mga lupain at ari-ariang hindi natitinag sa Imus
na sisimulang ipatupad sa susunod na taon.
More Info
IMUS Sports Complex — Sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, ng
tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, at ng Department of Social Welfare
and Development (DSWD) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, napagkalooban ng tulong
pinansyal ang 3,213 Imuseño noong Setyembre 12 at 14, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Sa pamamagitan ng Emergency Housing Assistance
Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) Region IV-A, nabigyan ng tulong
pinansyal noong Setyembre 11, 2023 ang 85 pamilyang Imuseñong biktima ng sunog.
More Info
IMUS, Cavite — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang tatlong araw na
talakayan patungkol sa iminungkahing pondo ng iba’t ibang tanggapan ng Pamahalaang
Lungsod ng Imus para sa taong 2024 noong Setyembre 6 hanggang 8, 2023.
More Info
IMUS City Government Center — Sa ikatlong National Simultaneous Earthquake Drill, sabay-
sabay muling nag-drop, cover, and hold ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Imus
noong Setyembre 7, 2023.
More Info
IMUS Public Market — Agarang nagsagawa ng inspeksyon ang City Agricultural Services
Office, sa pangunguna ni City Agriculturist Robert Marges, sa unang araw ng pagpapatupad ng
itinalagang price ceiling ng pamahalaan sa buong bansa noong Setyembre 5, 2023.
More Info
IMUS City Sports Complex — Personal na binati ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 378
mag-aaral ng City College of Imus (CCI) na nagsipagtapos noong Setyembre 1, 2023.
More Info