IMUS, Cavite — Ipinadama ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na mayroong maaasahang gobyerno ang mga Imuseño nang manalasa ang Bagyong Paeng bago matapos ang buwan ng Oktubre.
Sa tala, ligtas na nailikas ang 798 pamilya na binubuo ng 3,664 na katao...
More Info
IMUS, Cavite — Sa temang “KooPinas: Nagkakaisang Lakas para sa Makabuluhan at Sama-samang Pag-unlad,”
nakibahagi ang City of Imus Cooperative, Livelihood, and Entrepreneurial Development Office (CICLEDO)
sa taunang pagdiriwang ng Cooperative Month tuwing buwan ng Oktubre.
Kaakibat ang iMust Cooperative Federation at City of Imus Cooperative Development Council, sinimulan
ng CICLEDO ang Coop Month sa pagdaraos ng isang cooperative forum. Tinalakay noong Oktubre 1 ang
Embracing Digitization the Cooperative Way sa 108 miyembro na ginanap sa Cooperative and Livelihood Training Center (CLTC)...
More Info
IMUS, Cavite — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng Gender and Development Unit (GAD) ang paghahandog ng hygiene kits sa 175 Special Education (SPED) Learners sa ilang pampublikong paaralan sa Imus noong Oktubre 25, 2022.
Pinuntahan nina Mayor AA at GAD Focal Point Person Shella Dy ang Imus National High School, Gen. Emilio Aguinaldo National High School, Bukandala Elementary School, Gov. D.M. Camerino Integrated School, Imus Pilot Elementary School, Anabu Elementary School, at Malagasang Elementary School.
Ang bawat kit ay naglalaman ng shampoo, toothpaste at toothbrush, alcohol, wipes, at insect repellent lotion.
Hangad ni Mayor AA na sa pamamagitan nito ay matulungan ang mga naturang mag-aaral sa kanilang pagpasok sa kani-kanilang mga eskwelahan.
IMUS, Cavite — Pormal nang inanunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng TaskUs ang kanilang pagtutulungan para mabigyan ng oportunidad ang mga Imuseñong nagnanais maging Business Process Outsourcing (BPO) agents, sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement signing sa tanggapan ng TaskUs sa Lizzy’s Nook, Lumina Point Mall nitong Oktubre 4, 2022.
Pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Administrator Jeffrey Purisima, TaskUs Vice President of Operations at Lizzy’s Nook Site Lead Cris Monroy, at TaskUs Division Vice President of Operations Arjay Angodung ang paglagda sa kasunduan para sa proyektong pinangalanang “Career Forward: An Imuseño’s Journey to Being Ridiculously Good.”..
More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Sa pakikipagtulungan ng Imus City Health Office sa Rotary International District 3810, nakibahagi ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa paggunita ng World Polio Day noong Oktubre 24, 2022.
Pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, District 3810 Governor Dr. Joyce Ambray, Department of Health (DOH) ASec. Enrique Tayag, at Representative Dr. Armida Camposagrado ang “Sabayang Patak Kontra Polio” kung saan binigyan ng bakuna ang 289 na batang Imuseño...
More Info
IMUS, Cavite — Nagbalik ang programang “Isang Kanin, Isang Ulam” nitong Oktubre 20, 2022, kasabay sa selebrasyon ng kaarawan nina Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula at Board Member Shernan Jaro na ginanap sa mga barangay ng Malagasang II-A at Buhay na Tubig.
Naging bahagi rin ng pagdiriwang sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, at mga konsehal...
More Info
IMUS, Cavite — Bilang pakikiisa sa World Rabies Day at World Animal Day, nagsagawa ang Imus City Veterinary Services Office ng isang Veterinary Medical Mission noong Oktubre 19, 2022 sa covered court ng Brgy. Anabu II-A.
Kaagapay ang Biyaya Animal Care at United Doctors Veterinary Hospital, 304 na aso at pusa ang kinapon. Nakatanggap naman ng microchip ang 96, ng deworming ang 113, at ng anti-rabies vaccine ang 259 na alagang hayop...
More Info
IMUS, Cavite — Nakiisa ang City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa International Day for Disaster Risk Reduction (IDDRR) nitong Oktubre 13, 2022 sa tulong ng iba’t ibang Aksyon Agad Centers (AAC) sa Imus.
Namahagi ang CDRRMO Main Office ng disinfection machines sa mga piling tanggapan ng pamahalaan, at ang Anabu AAC sa ilang pampublikong paaralan...
More Info
IMUS CITY PLAZA—Laro, kanta, sayaw, at saya ang alay ng mga Imuseño sa pagdiriwang ng ika-227 Kapistahan ni Nuestra Señora del Pilar, patrona ng Diyosesis ng Imus, noong Oktubre 11 at 12, 2022.
Kilala bilang Nana Pilar, inumpisahan ang paggunita sa pamamagitan ng pagdaraos sa taunang Karakol ng Bayan sa bisperas ng kapistahan. Dito, nag-alay ng sayaw ang mga deboto bilang pasasalamat at panata sa patrona sa pangunguna ng Diyosesang Dambana at Parokya ng Nuestra Señora del Pilar...
More Info
OSPITAL NG IMUS — Pangangalaga sa kalusugan ang inihandog ng Ospital ng Imus (ONI) mula
Oktubre 10 – 14, 2022 sa ika-apat na taon mula nang ito ay magbukas sa publiko.
Nagsimula ang linggo sa hatid na diskwento sa piling laboratory services—50 porsyentong
diskwento sa Chem 10 Package (FBS, BUN, Crea, Uric Acid, Lipid Profile, SGOT, at SGPT)
ang nakuha ng 50 pasyente, at 10 porsyentong diskwento naman sa CBC, Urinalysis, at Fecalysis....
More Info
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang groundbreaking at pagbabasbas ng limang pampublikong pasilidad sa Lungsod Imus noong
Oktubre 5 - 7, 2022.
Una nang isinagawa ang groundbreaking ng itatayong tatlong palapag na pampublikong sementeryo sa Brgy. Bucandala IV. Mayroong kabuuang sukat na 8,000
sqm ang lupaing handog ni Mayor AA sa lokal na pamahalaan para dito...
More Info
IMUS, Cavite — Nakipagpulong si City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa Department of Human Settlements and
Urban Development (DHSUD) at sa Pro-Friends noong Oktubre 6, 2022 para sa levelling off ng mga proyektong
pabahay ng Pamahalaang Lungsod na tatawaging “AAruga Residences”.
Ang pulong ay dinaluhan din nina City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan, Konsehal Wency Lara, at Konsehal
Darwin Remulla...
More Info