City of Imus

Zero Waste Month 2023: Zero waste for zero emission


January 28


IMUS, Cavite — Isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang city-wide clean-up nitong Enero 28, 2023 bilang pakikibahagi sa Zero Waste Month ngayong taon.
Kasabay nito, naglagay rin ang Imus City Environment and Natural Resources Office ng mga karatula na nagpapaalala na ipinagbabawal ang pagkakalat at pagtatapon ng basura sa mga pampublikong lugar sa Imus...

More Info

9,000 Imuseño, nakatanggap ng libreng serbisyong medikal mula sa Glendale Korean SDA Church at SDA Imus


January 23-27


IMUS, Cavite — Matagumpay na nagtapos ang limang araw na Glendale Korean Seventh-day Adventist (SDA) Church at SDA Imus Medical-Surgical Mission na ginanap sa Imus Pilot Elementary School at sa Ospital ng Imus (ONI) noong Enero 23 – 27, 2023...

More Info

Pagsalubong ng Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga opisyal ng Bayawan City


January 25


IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at City Vice Mayor Homer “Saki” Saquilayan ang mainit na pagtanggap sa Pamahalaang Lungsod ng Bayawan, Negros Oriental, sa pangunguna nina City Mayor Jack Raymond at City Vice Mayor Henry Carreon Jr., nitong Enero 25, 2023 para sa kanilang benchmarking sa Lungsod ng Imus...

More Info

75 pamilyang nasunugan sa Imus, hinatiran ng tulong


January 14-15


IMUS, Cavite — Agad naghatid ng tulong ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa 75 pamilya na kinabibilangan ng 222 indibiduwal na biktima ng sunog sa Halang, Brgy. Poblacion IV-B noong Enero 14 – 15, 2023.

More Info

Task Force for Road Clearing, inumpisahan na ang paghahatak sa mga sasakyan sa Imus


January 12


IMUS, Cavite — Sinimulan na ng City of Imus Task Force for Road Clearing (CITF) ang paglalagay ng clamps at paghahatak sa mga sasakyang nakaharang sa mga pampublikong daan sa Imus nitong Enero 12, 2023...

More Info

Groundbreaking ng 3 bagong paaralan sa Imus, isinagawa


January 10


IMUS, Cavite — Pinasinayaan na ang pagtatayo ng tatlong bagong pampublikong paaralan sa Imus na tatawaging Malagasang I Elementary School Annex, Malagasang II Elementary School Annex, at City of Imus Integrated School—Maharlika nitong Enero 10, 2023...

More Info

607 Imuseñong pensiyonado, natanggap na ang paunang UCT


January 7


CITYMALL ANABU, Imus — Sa pagtutulungan ng Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA), City Social Welfare and Development Office, at Land Bank of the Philippines, naibigay na sa 607 Imuseñong pensiyonado ang kanilang paunang Unconditional Cash Transfer (UCT) na nagkakahalagang P4,600 mula sa kabuuang P10,000 noong Enero 7, 2023...

More Info

12,033 negosyo, rehistrado na sa Business One-Stop Shop 2023


January 3-31


IMUS SPORTS COMPLEX — Para mapadali ang pagkuha ng business permits ng mamamayang Imuseño, pansamantalang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Business One-Stop Shop (BOSS) sa Imus Sports Complex, Brgy. Poblacion II-A mula Enero 3 – 31, 2023...

More Info

Bagong paraan ng pamamahagi ng senior citizen subsidy sa Imus, inumpisahan na


January 3


IMUS, Cavite — Sinimulan na ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ang bagong paraan ng pamamahagi ng Senior Citizen Subsidy sa mga miyembro ng Imus Senior Citizen Association Incorporated (IMUSCAI) noong Enero 3, 2023 sa Old Imus City Hall Building...

More Info