Mga pusong puno ng pagmamahal ang nangibabaw sa Imus sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Puso at ng Pambansang Buwan ng mga Sining ngayong Pebrero 2024.
Bumungad sa serye ng mga pagdiriwang ang hugis pusong traffic lights na gumabay sa mga motoristang binabaybay ang kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway mula noong Pebrero 1–29, 2024.
More Info
Pinasinayaan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Department of the Interior and Local
Government (DILG) Regional Director Engr. Ariel O. Iglesia, at DILG Provincial Director Engr.
Danilo A. Nobleza ang 48 units ng LED streetlights nitong Pebrero 28, 2024 sa kalye sa pagitan
ng Ospital ng Imus (ONI) at Imus Police Station, Brgy. Malagasang I-G.
More Info
Libreng full tank gas ang handog nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman
Adrian Jay “AJ” C. Advincula kina manong TODA (Tricycle Operators and Drivers’ Association)
noong Pebrero 16, 2024 sa Lungsod ng Imus.
More Info
Hinirang na Most Distinguished Local Youth Development Office (LYDO) ang City of Imus Youth Affairs Office (YAO) sa Fourth Sustainable Development Goals (SDG) Champion Awards ng Philippine Young Leaders’ Convergence (PYLC) na ginanap nitong Pebrero 18, 2024 sa lalawigan ng Misamis Occidental. Kinikilala ng Young SDG Champion Awards ang mga youth organization at indibiduwal na nagsusulong sa positive youth development ayon sa United Nations Sustainable Development Goals. Isa ang Imus sa anim na LYDOs na binigyang-pagkilala.
Lubos ang pasasalamat ng Imuseñong si Dolores Jamera kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula noong Pebrero 12, 2024 dahil sa tulong na natanggap nito upang tuluyang matanggal ang bukol na kaniyang iniinda noon pang 2015. Isa si Dolores sa mga Imuseñong nakilala at nahatiran ng tulong pangkabuhayan ni Mayor AA sa kaniyang programang “Sugod Bahay” noong Nobyembre 22, 2023. Naantig ang puso ng alkalde nang malamang may malaking bukol sa leeg si Dolores. Kaya naman, binigyang-tugon nito ang pangkalusugang pangangailangan ng ginang upang maoperahan sa lalong madaling panahon.
Upang masigurong protektado ang buhay at kalusugan ng mga lingkod bayan ng Imus,
inilunsad ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang personal nilang handog ni Congressman
Adrian Jay “AJ” C. Advincula na AAngat Insurance Cards nitong Pebrero 14, 2024 na ginanap
sa Function Hall ng New Imus City Government Center.
More Info
Matagumpay ang operasyon ng 73 batang bingot at ngongo sa isinagawang Operation HOPE
Medical Mission: Libreng operasyon sa pagkabingot at pagkangongo ng Philippine American
Group of Educators and Surgeons (PAGES), katuwang ang Ospital ng Imus, mula noong
Pebrero 2–10, 2024 na ginanap sa naturang ospital.
More Info
Sa pangunguna ng Imus City Tourism and Heritage Office (CTHO), inalala ng Pamahalaang
Lungsod ng Imus ang ika-79 na Anibersaryo ng Liberasyon ng Imus mula sa puwersa ng mga
Hapones noong Pebrero 4, 2024 sa Imus City Plaza.
More Info
Binigyang-pagbati ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang 30 Technical Education
and Skills Development Authority (TESDA) scholars na nagtapos ng Housekeeping NC II
vocational course noong Pebrero 2, 2024 na ginanap sa Function Hall ng New Imus City
Government Center.
More Info
Inihatid nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula
ang mga bagong playground slide sa tatlong child development centers na kinabibilangan ng
Patio Tirona sa Brgy. Malagasang II-D, Little Fingers sa Brgy. Malagasang II-A, at Woodlane sa
Brgy. Malagasang I-B noong Biyernes, Pebrero 2, 2024.
More Info
Kabilang muli ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa mga pumasa sa Good Financial Housekeeping ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa taong 2023. Iginagawad ang Seal of Good Financial Housekeeping (SGFH) sa mga lokal na pamahalaan na napatutunayang tumatalima sa accounting and auditing standards, rules, and regulations ng DILG. Isa ang SGFH sa mga mahahalagang pamantayan para makatanggap ng Seal of Good Local Governance.