Pinangunahan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula ang paglunsad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Imus nitong Mayo 18, 2024, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus. Tinatayang nasa 850 Imuseño minimum wage earners ang pinagkalooban ng P3,000 halaga ng pinansyal na tulong na mula sa pondo ng tanggapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaagapay si House Speaker Martin Romualdez. Bahagi rin ng programa sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus. Ang AKAP ay isa sa mga programa ng DSWD na layong matulungan ang minimum wage earners na nasa low-income category.