City of Imus

Tanglaw sa Paskong Imuseño: Taon ng Pasasalamat at Tagumpay


December


Matagumpay na ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang maningning at makulay na Kapaskuhan ngayong taon sa pamamagitan ng mga aktibidad na nagpatingkad sa Pasko ng mga Imuseño.

More Info


Ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Hen. Flaviano Yengko ipinagdiwang


December 23


Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Hen. Flaviano Abad Yengko nitong Disyembre 23, 2024, sa pamamagitan ng pag-alay ng bulaklak sa kaniyang panandang pangkasaysayan sa Brgy. Poblacion III-A. Si Hen. Yengko ang isa sa mga pinakabatang heneral ng Himagsikang Pilipino. Ipinanganak siya noong Disyembre 22, 1874, sa Tondo, Manila kina Basilio Yengko at Maria Abad na tubong Imus, Cavite. Umanib siya sa puwersa ni Hen. Emilio Aguinaldo noong 1896 at naging bahagi ng mga labanan para sa kalayaan ng Pilipinas. Pumanaw si Hen. Yengko noong Marso 3, 1897, matapos siyang masugatan sa tiyan habang nakikipagtuos sa puwersa ng mga Kastila sa Labanan sa Salitran.


Mayor AA binisita ang mga biktima ng sunog sa Dumlao Compound


December 23


Agad na rumesponde si Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula sa 15 pamilyang nasunugan sa Dumlao Compound, Brgy. Pag-asa III nitong Disyembre 23, 2024. Ipinagkaloob ng alkalde sa mga pamilyang pansamantalang nanunuluyan sa Tinabunan Elementary School ang kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, gamit sa panligo, at damit. Patuloy rin ang pakikipagtulungan nito sa mga ahensya ng gobyerno upang mabigyan ng panibagong buhay ang mga apektadong pamilya.


KADIWA ng Pangulo sa Lungsod ng Imus


December 18


Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang paglunsad sa KADIWA ng Pangulo sa Imus noong Disyembre 18, 2024, tampok ang iba’t ibang mura at de-kalidad na produkto. Nakapamili ang mga Imuseño ng bigas, sariwang prutas, gulay at iba pang lokal na produkto mula sa 20 tindahan. Naging bahagi rin nito sina Vice Governor Shernan Jaro, Konsehal Totie Ropeta, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Lares Comia, City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo, City Agriculturist Robert Marges, at iba pang department at unit heads. Ang Katuwang sa Diwa at Gawa para sa Masaganang Ani at Mataas na Kita (KADIWA) ng Pangulo ay ang flagship program ng pamahalaan na layong matulungan ang mga Pilipinong magkaroon ng maayos na kita at makapamili ng mga murang produkto.


Ika-80 anibersaryo ng 13 Martir ng Imus ginunita


December 17


Pinangunahan ng Imus City Tourism and Heritage Office ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng 13 Martir ng Imus na matatagpuan sa City of Imus Plaza nitong Disyembre 17, 2024, bilang paggunita sa ika-80 anibersaryo mula nang ialay nila ang kanilang mga sarili taong 1944.

More Info


Mayor AA nagbigay-pagbati at P100K sa Imuseño centenarian


December 16


Binisita ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula nitong Disyembre 16, 2024, ang Imuseño centenarian na si Nanay Concepcion Tagle ng Brgy. Poblacion IV-D upang personal na batiin at iabot ang P100,000 at grocery package sa kaniyang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan noong Disyembre 14, 2024. Nakasama rin ng alkalde sa pagbati ang Office of the Senior Citizens Affairs at ang Imus Senior Citizens Association Incorporated. Iginagawad ang P100,000 sa mga Pilipinong edad 100 taon, batay sa Batas Republika Blg. 10868, o ang “Centenarians Act of 2016.”


AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo Raffle Draw 2024, isinagawa


December 16


Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ginanap ang raffle draw ng AAsenso Ka sa Buwis na Binayad Mo 2024 nitong Disyembre 16, 2024, sa New Imus City Government Center.

More Info


Mayor AA ginawaran ng wheelchairs ang 3 Imuseño


December 16


Sa hangaring mapagaan ang buhay ng mga Imuseño, tinupad ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang kahilingang wheelchairs ng tatlong Imuseñong bumisita sa kaniyang tanggapan nitong Disyembre 16, 2024. Ang mga naturang Imuseño ay sina Girlie Maturan Jardinicio ng Brgy. Tanzang Luma II, Allan Escobia ng Brgy. Carsadang Bago I, at Charliemagne Cortez ng Alapan II-A.


Handog na medical at burial assistance para sa 235 Imuseño


December 12


Muling pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ng tulong medikal at pampalibing ang 235 Imuseño noong Disyembre 12, 2024, sa Wellness Center, New Imus City Government Center sa pamamagitan ng pondong nagmula sa Philippine Charity Sweepstakes Office at Department of Social Welfare Development. Nanguna sa pagpapaabot ng tulong sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Enzo Asistio, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr. Hinihikayat din nina Cong. AJ at Mayor AA ang mga Imuseñong magtulungan para sa patuloy na pagbibigay ng serbisyong may malasakit.


HOA Lingkod Desk nakatakdang itatag sa Imus


December 12


Sa pagpirma nina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Regional Director Jean Paul Ilao, MPM ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa isang Memorandum of Agreement noong Disyembre 12, 2024, mas mapaglilingkuran pa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Homeowners Associations (HOA), Federations, at Confederations Imus sa pamamagitan ng itatatag na HOA Lingkod Desk. Layunin din ng naturang kasunduan na mapatibay pa ang samahan ng lokal na pamahalaan at ng HOA para sa patuloy na pag-angat ng kalidad ng serbisyong ibinibigay ng administrasyong Advincula sa mga Imuseño.


3,280 Imuseño pansamantalang nagkaroon ng trabaho sa TUPAD


December 11


Mas nadagdagan ang bilang ng mga Imuseñong nabigyan ng pansamantalang trabaho ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Disyembre 11 at 20, 2024, sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at sa pangunguna ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula. Tinatayang nasa 3,280 ang nagtrabaho sa loob ng 10 araw na may katumbas na P5,600 kabuuang sahod. Ang TUPAD ay isang community-based amelioration program ng DOLE na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa displaced, underemployed, at seasonal workers.


Buhay na Tubig Barangay Hall, Homeowners Association at Senior Citizen’s Office pinasinayaan


December 10


Opisyal nang binuksan ang bagong Buhay na Tubig Barangay Hall at Barcelona Phase 3 Homeowners Association at Senior Citizen’s Office noong Disyembre 10, 2024. Nanguna sa pagbabasbas at ribbon-cutting sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Board Member Ony Cantimbuhan, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Mark Villanueva, dating Konsehal Tito Monzon, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Darwin Remulla, dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr., at kasalukuyang LNB President at Punong Barangay ng Buhay na Tubig Reymundo “RR” Ramirez. Hangad nina Cong. AJ at Mayor AA na sa pagbubukas ng mga pasilidad na ito ay mapabibilis pa ang paghahatid ng de-kalidad at makataong serbisyo sa mga Imuseñong naninirahan sa Barangay Buhay na Tubig.


Imus LGU, ginawaran ng Seal of Good Local Governance sa ikatlong taon


December 10


Personal na tinanggap ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Disyembre 10, 2024, sa Manila City. Kabilang ang Imus sa 15 lokal na pamahalaan sa Cavite at 48 lokal na pamahalaan sa CALABARZON na pinarangalan ng SGLG. Ang SGLG ay ang gold standard sa pagsukat ng kahusayan ng mga lokal na pamahalaan sa pamamahala, alinsunod sa 10 governance areas ng DILG. Ang mga ito ay ang Financial Administration and Sustainability, Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity, Health Compliance and Responsiveness, Sustainable Education, Business-friendliness and Competitiveness, Safety, Peace and Order, Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and the Arts, at Youth Development.


Sama-samang pagsugpo sa dengue pinangunahan ni Mayor AA


December 10


Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kampanya laban sa dengue sa pamamagitan ng pamamahagi ng mosquito repellant sa mga paaralan sa Imus na sinimulan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula noong Disyembre 10, 2024, sa Gov. Camerino Integrated School.

More Info


Mayor AA muling naghandog ng prosthesis legs sa dalawang Imuseño


December 9


Pinagkalooban ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng prosthesis legs ang dalawang Imuseño noong Disyembre 9, 2024. Tinanggap nina Joema Fe Sabalbarino mula sa Brgy. Malagasang I-D at Noel Bautista mula sa Brgy. Alapan II-B ang kanilang prosthesis legs. Ang paghahandog ni Mayor AA ng prosthesis legs ay regular niyang isinasagawa upang mabigyan ng panibagong pag-asa ang mga kababayan niyang nananatiling matatag sa kabila ng kanilang kapansana


City of Imus Public Library Outstanding Tech4ED Center sa CALABARZON


December 4


Muling nag-uwi ng karangalan ang City of Imus Public Library nang kilalanin bilang First Place for the Outstanding Technology Empowerment for Education, Employment, Entrepreneurs, and Economic Development (Tech4ED) Center at Digital Transformation Center sa nagdaang CALABARZON Tech4ED Awards ng Department of Information and Communications Technology (DICT) noong Disyembre 4, 2024. Ang mga pagkilalang ito ay nagpapatotoo sa mga isinasagawa ng pampublikong aklatan upang mas mailapit sa mga Imuseño ang paggamit ng makabagong teknolohiya, higit ang internet, para sa kanilang dagdag na kaalaman at pagkatuto.


Senior Citizens Association Presidents and Officers General Assembly dinaluhan nina Cong. AJ at Mayor AA


December 3


Sa pangunguna ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), idinaos ang Senior Citizens Association Presidents and Officers General Assembly noong Disyembre 3, 2024, sa City of Imus Sports Complex. Personal din silang kinumusta nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Vice Governor Shernan Jaro, Board Member Ony Cantimbuhan, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng buong Team AJAA na naghandog din ng munting regalo sa mga lolo at lola.


Imus LGU National SubayBAYANI Awardee


December 3


Iginawad sa Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Exemplar Award sa ginanap na 2024 National SubayBAYANI Awards noong Disyembre 3, 2024, na ginanap sa Parañaque City. Ang pagkilalang ito ay simbolo ng tagumpay ng lokal na pamahalaan sa mga programa at proyektong pang-imprastraktura para sa mas matatag, maginhawa, at panatag na buhay para sa mamamayang Imuseño. Ilan sa mga imprasktrakturang proyekto ng Imus ay ang mga karagdagang daanan, pagkakabit ng libo-libong streetlights, pagbubukas ng kauna-unahang super health center, pagpapatayo ng mga bagong paaralan, at ang pagtanggap ng mga buntis sa City of Imus Birthing Home na nagdala ng makabuluhang pagbabago sa maraming buhay. Bahagi ang Imus sa 132 local government units na pinarangalan ng exemplar award.


Imus LGU nakiisa sa World AIDS Day


December 2


Ilang mga aktibidad ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Disyembre 2, 2024, sa pakikibahagi nito sa World AIDS Day 2024 na may temang, “Take the rights path: My health, my right!”

More Info


Imus LGU, nakiisa sa 18-day Campaign to End VAW


December


Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang 18-day Campaign to End Violence Against Women (VAW) sa pagdaraos ng serye ng mga aktibidad mula noong Disyembre 2–12, 2024, sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) Unit.

More Info


Lab for Love sa kalusugan ng mga Imuseño


December 1


Ngayong panahon ng pagmamahalan, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang programang “Lab for Love” libreng laboratory tests nitong Disyembre 1, 2024, sa City of Imus Diagnostic Laboratory, Malagasang I-G.

More Info