IMUS, Cavite — Ininspeksyon ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang itinatayong bagong gusali sa Imus Public Market noong Hulyo 11, 2023.
Kasama si Economic Enterprise and Management Office Head Nestor Camantigue, sinuri ni Mayor AA ang plano at ang kasalukuyang lagay ng proyekto.
Isa ito sa mga hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para sa pagpapaganda ng naturang pampublikong pamilihan.
IMUS, Cavite — Tagumpay na nagtapos ang ikalawang batch ng trainees sa Career Forward Training ng TaskUs at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hulyo 13, 2023.
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagbibigay ng sertipikasyon sa 16 na trainees na dumaan sa Business Process Outsourcing (BPO) Training.
More Info
IMUS City Plaza — Isinagawa ng Imus City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang kauna-unahang human-induced disaster exercise noong Hulyo 17, 2023 bilang pakikiisa sa National Disaster Resilience Month (NDRM) nitong Hulyo.
More Info
IMUS, Cavite — Sa pangunguna ng City College of Imus (CCI) – Tech-Voc, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang malawakang Community Outreach program sa iba’t ibang barangay sa Imus mula Hulyo 19–28, 2023.
More Info
IMUS Sports Complex — Wagi ang Cluster 5 at Cluster 9 na makuha ang kampeonato First Cong. AJ Cup Inter-cluster Volleyball Tournament nitong Hulyo 22, 2023.
More Info
IMUS, Cavite — Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang paghahanda mula sa tumitinding pagbaha sa ilang mga barangay sa pamamagitan ng paghatid nito ng 17 bagong rescue boats nitong Hulyo 27, 2023.
More Info
IMUS, Cavite — Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, pormal nang binuksan ang barangay multipurpose halls ng Toclong I-C at Alapan I-C nitong Hulyo 28, 2023.
Sa mensahe ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, inihabilin niya ang maayos at tamang paggamit ng mga bagong barangay hall para sa paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan.
Binigyang-diin din ng alkalde na ang mga sunod-sunod na proyektong imprastraktura sa Imus ay produkto ng pagkakaisa ng mga lider nito.
Bahagi rin ng naturang inagurasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ang mga punong barangay na sina Kapitan Rene Escobar at Kapitan Ronaldo Marcial.
IMUS, Cavite — Bilang pakikiisa sa Buwan ng Nutrisyon 2023, nagsagawa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng iba’t ibang programa at aktibidad na may kaugnayan sa nutrisyon at kalusugan mula Hulyo 18–28, 2023 sa pagtutulungan ng City Health Office, Local Council for the Protection of Children, at City Agricultural Services Office (CASO).
More Info
ALAPAN I-A, Imus — Sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, sabay na pinasinayaan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kauna-unahang AAngat Livelihood Training Center at ang bagong Ronald McDonald Bahay Bulilit Learning Center nitong Hulyo 31, 2023 kasama ang mga kinatawan ng McDonald’s Philippines.
More Info
IMUS, Cavite — Humigit-kumulang 1,400 kabataang Imuseño ang sumailalim sa libreng Operation Tuli ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula mula noong Hulyo 3 hanggang Agosto 1, 2023.
Hatid ito ng Ikatlong Distrito ng Cavite upang matulungan ang mga magulang na maipatuli ang kanilang mga anak nang hindi gumagastos.
Kabalikat sa tagumpay ng programa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, City Health Office, Ospital ng Parañaque II, Pasay – Parañaque Medical Society, Philippine National Police Academy Sinaglaya Class 2002, MPCALA Holdings Inc., at volunteers.
Ang Operation Tuli 2023 ay bahagi ng mga hangarin ni Cong. AJ na mabigyan ng libreng serbisyong medikal ang kaniyang mga nasasakupan.