Sa ikalimang taon, idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang Nanay na Imuseño, Hakab
na! A Simultaneous Latch On Activity nitong Agosto 24, 2024, sa City of Imus Children and
Youth Center bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month na
may temang “Closing the Gap: Breastfeeding Support for All.”
More Info
Inilunsad ng Office of the Senior Citizens Affairs ang Livelihood Skills Training for Social Pension Beneficiaries sa ilang mga barangay sa Imus mula noong Hulyo 7 – Agosto 22, 2024. Katuwang ang City of Imus Cooperative, Livelihood and Entrepreneurial and Enterprise Development Office, natutunan ng 671 lolo at lola ang meat processing, rug making, at ang paggawa ng detergent at fabric conditioner sa pangunguna nina Franceene Mae Costa ng Technical Education and Skills Development Authority, Nahumi Makiling ng City College of Imus, at Ronnie Yohan ng Department of Education. Sa tulong nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga senior citizen na magkaroon ng alternatibong hanapbuhay.
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa humigit-kumulang 600 Imuseñong higit na nangangailangan sa pamamagitan ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Agosto 19, 2024, sa City of Imus Sports Complex. Bahagi rin ng paghahandog sina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at mga konsehal. Isa ang AICS sa mga programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinansyal, medikal, transportasyon, edukasyon, at pampalibing sa mga indibidwal na kapos-palad.
Upang mapaigting pa ang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga Imuseño, inilapit ng PhilHealth ang Konsulta Caravan sa Imus noong Agosto 16, 2024, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Imus na pinangungunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula. Sa pamamagitan nito ay nasuri ang mga pangangailangang pangkalusugan ng humigit- kumulang 1,000 indibidwal na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at rehistradong miyembro din ng PhilHealth. Kaagapay rin sa naganap na pagsusuri ang mga doktor ng Imus City Health Office na sina Dr. Noralyn V. Del Mundo, Dr. Ma. Rhodora J. Coronado, Dr. Gelyn G. Golamco, at Dr. Maria Rossini M. De Ausen. Personal namang pinasalamatan ni Mayor AA ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at ng PhilHealth habang kinumusta niya ang mga dumalo sa naturang Konsulta Caravan.
Kinumusta ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang idinaos na Seminar Orientation on Republic Act No. 10361 o ang “Batas Kasambahay” ng Imus Public Employment Service Office noong Agosto 16, 2024, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Tinalakay nina Assistant Labor Inspector Jeoffrey Francis Arma ng Department of Labor and Employment (DOLE), Acting Head Eric Elloso ng Other Working Groups Task Force ng Pag- IBIG Fund, at City Local Government Operations Officer Joseph Ryan Geronimo sa 72 kawani ng mga barangay ang mga karapatan ng mga kasambahay batay sa naturang batas, gayon din ang mga paraan kung paano sila mabibigyan ng proteksiyon mula sa banta ng mga pang- aabuso.
Matagumpay ang pagkatutong bumasa ng 60 batang Imuseño sa kanilang pagtatapos sa Tayo
Na’t Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learners ng Pampublikong Aklatan ng
Lungsod ng Imus noong Agosto 8, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
Ang mga bata ay ginawaran ng sertipiko ng pakikilahok, gift check na nagkakahalaga ng P500
mula kay Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Glian Ilagan, at 20 token mula sa
Tom’s World.
More Info
Bilang pasasalamat, hinandugan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula, ang 1,019 na food delivery at motor taxi riders ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P3,000 kada tao sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong Agosto 3, 2024, sa Dimasalang Covered Court. Nakasama rin dito sina City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Larry Nato, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Wency Lara, Konsehal Enzo Asistio Ferrer, at Imus CDRRMO Command Center Manager David “AJ” Sapitan Jr. Isa ang AKAP sa mga programa ng DSWD na layuning matulungan ang minimum wage earners na nasa low-income category.
Muling itinanghal na kampeon ang Cluster 5 sa men’s division at Cluster 9 sa women’s division
sa ikalawang taon ng Congressman AJ Cup Inter-Cluster Volleyball Tournament nitong Agosto
3, 2024, na ginanap sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Sa ikalawang pagkakataon, pinatunayan ng Malagasang I ang kanilang galing sa basketball
nang muling mapanalunan ang kampeonato sa Second Congressman AJ Cup Inter-Mother
Barangay Basketball Tournament noong Agosto 2, 2024, sa City of Imus Sports Complex.
More Info