IMUS Sports Complex — Pormal nang binuksan ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula
ang First Congressman AJ Cup Inter-cluster Volleyball Tournament nitong Mayo 28, 2023,
kaagapay ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L.
Advincula.
Kalahok dito ang siyam na clusters sa Imus na binubuo ng 18 koponan at nahati sa Women’s
Division at Men’s Division.
More Info
IMUS, Cavite — Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng National Historical
Commission of the Philippines (NHCP) ang Pambansang Araw ng Watawat at ang Ika-125
Anibersaryo ng Labanan sa Alapan nitong Mayo 28, 2023 sa Dambana ng Pambansang
Watawat ng Pilipinas (Imus Heritage Park) sa pamumuno ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula
at Tagapangulo ng NHCP na si Dr. Emmanuel Franco Calairo.
More Info
IMUS City Government Center — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng Office of the Building Official ang paglunsad sa programang “Alalay sa Komunidad: Libreng Konsulta sa Pagpapagawa ng Bahay at Pagkuha ng Building Permit” nitong Mayo 24, 2023. Dito, ginawaran ang 49 na pamilya ng Building Permits para sa maayos at ligtas na pagpapagawa ng kanilang mga bahay. Nais ng Pamahalaaang Lungsod ng Imus na maging daan ang programang ito upang mahikayat pa ang mga Imuseño na unahin ang kanilang kaligtasan sa pagpapagawa o pagpapaayos ng kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pagkuha ng tamang permit.
IMUS, Cavite — Tinatayang 4,140 Imuseño ang nabigyan ng libreng atensyong medikal sa
pagtatapos ng Medical Mission na pinangunahan ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay
“AJ” Advincula noong Mayo 11, 2023.
Sa pag-iikot nito sa iba’t ibang barangay, nakatanggap ng libreng konsultasyong medikal,
laboratory procedures, x-ray, at gamot ang mga residente ng Cluster 5 hanggang 9 mula Mayo
2 – 11.
More Info
IMUS City Government Center — Sa pamamagitan ng mga bisikletang ipinagkaloob ng Sun Life Philippines sa Pamahalaang Lungsod ng Imus, naipamahagi ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 20 kiddie bikes sa mga Imuseñong may kapansanan na nasa edad apat hanggang walo nitong Mayo 8, 2023. Matatandaang matagumpay na idinaos sa lungsod ang pagbabalik ng Sun Life Cycle PH Fun Ride noong Abril 23, 2023. Kaagapay rin sa naturang pamamahagi ang Persons with Disability Affairs Office. Patuloy na nakikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pribadong sektor para sa iba pang mga programang makatutulong sa mga Imuseño.
ALAPAN I-A, Imus — Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong Ronald McDonald Bahay Bulilit Learning Center sa Imus noong Mayo 5, 2023, sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Ronald McDonald House Charities (RMHC) of the Philippines, Inc.
More Info
IMUS Grandstand and Track Oval — Sa pagtatapos ng 2023 Inter-barangay First AJAA Cup Softball Tournament, nasungkit ng Malagasang First ang kampeonato, at ginawaran sila ng Php100,000 matapos makapagtala ng 10 puntos sa loob ng pitong rounds kontra Buhay na Tubig noong Mayo 1, 2023.
More Info