City of Imus

Top 40 taxpayers kinilala ng Imus LGU


June 27


Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-12 anibersaryo ng pagiging lungsod nito sa pagkilala sa top 20 business taxpayers at top 20 real property taxpayers nitong Huwebes, Hunyo 27, 2024, sa New Imus City Government Center.

More Info


1,260 binatilyo, sumailalim sa libreng Operation Tuli 2024


June 10-27


Muling umarangkada ang Operation Tuli ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula nitong Hunyo 10–27, 2024, sa City of Imus Sports Complex. Dito, 1,260 binatilyong Imuseño ang tinuli nang libre sa tulong na rin ng CALAX, Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite, Imus City Health Office, Imus Institute Batch '86, at nursing students ng Emilio Aguinaldo College at De La Salle University-Dasmariñas. Bahagi ng mga hangarin at adbokasiya ni Cong. AJ ang Operation Tuli 2024 na layong maging abot-kaya ang medikal na pangangailangan ng mga Imuseño.


1,164 Imuseño, nakatanggap ng tulong pinansyal


June 26


Muling namahagi ng tulong pinansyal ang Pamahalaang Lungsod ng Imus nitong Hunyo 26, 2024, sa City of Imus Sports Complex, kung saan nasa 1,164 na Imuseño ang nakatanggap. Personal ding kinumusta nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng mga konsehal ang mga benepisyaryo.


Mayor AA, Cong. AJ nakisaya sa Kapistahan ni San Juan Bautista


June 24


Nakipista sina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula sa mga residente ng Tanzang Luma na ipinagdiwang ang Kapistahan ni San Juan Bautista noong Hunyo 24, 2024. Sa kabuuan, 355 katao ang nagpamalas ng kanilang malikhaing talento sa maskara competition at karakol. Ang Kapistahan ni San Juan Bautista ay ginugunita tuwing Hunyo 24 bilang pagdiriwang sa araw ng kaniyang kapanganakan.


Buhay na Tubig – Tanzang Luma Bridge and Bypass Road, bukas na


June 23


Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, ang 38-meter at 450-meter Buhay na Tubig – Tanzang Luma Bridge and Bypass Road nitong Hunyo 23, 2024.

More Info


Imus Pride 2024: #REAL: Reflect, Empower, Accept, Love


June 22


Pride, freedom, diversity — ganito mailalarawan ang isang araw na pagdiriwang ng Pride Month ng Imuseño LGBTQIA+ community noong Hunyo 22, 2024, sa Imus City Plaza. Sa temang “#REAL: Reflect, Empower, Accept, Love,” iba’t ibang aktibidad ang nilahukan ng humigit-kumulang 300 LGBTQIA+ community at allies. Kabilang na rito ang Rainbow Fair, Painting of Pride Pedestrian, free HIV screening, at ang pinakahinihintay na SOGIE Night.

More Info


Aksyon Atleta Program: Sapatos at cash allowance sa mga kabataang atleta


June 20


Napuno ng mga ngiti ng nasa 100 kabataang atletang Imuseño ang Function Hall ng New Imus City Government Center sa paglunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Aksyon Atleta Program nitong Hunyo 20, 2024.

More Info


107 Imuseñong may kapansanan, hinandugan ng tulong pinansyal ng Imus LGU


June 19


Sa pamamagitan ng pondo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, nakatanggap ng tulong pinansyal ang 107 Imuseñong may kapansanan noong Hunyo 19, 2024, sa Wellness Center, New Imus City Government Center. Nanguna sa nasabing pamamahagi si City Mayor Alex “AA” L. Advincula kasama sina City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan at mga konsehal.


Imus LGU nakiisa sa pagdiriwang ng Kalayaan 2024


June 11-12


Sa paggunita sa ika-126 na anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hunyo 11–12, 2024.

More Info


Imus AJAA Sluggers, kauna-unahang kampeon sa 1st AJAA Invitational Softball Tournament


June 9


Nasapul ng Imus AJAA Sluggers ang kampeonato at ang cash prize na P180,000 sa First AJAA Invitational Softball Tournament sa puntos na 9–1 na ginanap noong Hunyo 9, 2024, sa City of Imus Grandstand and Track Oval.

More Info


Imus LGU, sumailalim sa 2024 SGLG Regional Validation


June 5-6


Bumisita sa Imus ang regional assessment team ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa 2024 Seal of Good Local Governance (SGLG) Regional Assessment ng Pamahalaang Lungsod ng Imus noong Hunyo 5–6, 2024.

More Info


Mass oath-taking ng HOA officers pinangunahan ni Mayor AA


June 3


Nanumpa kay City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga bagong halal na Homeowners Association (HOA) officers mula sa iba’t ibang barangay sa Imus noong Hunyo 3, 2024, sa Function Hall ng New Imus City Government Center. Mula sa Alfonso Village, Dreamville IV, Hamilton Homes, Marycris, Pacific Terraces Community East, The Legian South Subdivision, Country Ville Mile, Saudia Village, Gardenville Subdivision, Mikesell Subdivision, Parkdale Classic 1 and 2, Citihomes Grand Plaza, Camella Nueva Imus, Bahayang Pag-Asa Woodlands, Vallejo Place, Meadowville, Southgrove Estates, Summer Pointe Country Homes, Vivace Village, Lessandra BNT, Las Verandas Villas Phase 2, Green Villas Phase 2, Greenpark Villas Phase 1, The Istana, Silvertowne IV, Greenplace, Savanna Ville Phase 1 and 2, Greenmark Homes Extension, Bayanihan, at Greengate Homes 1-Annex ang mga naturang HOA officer.


Tulong pinansyal para sa 140 senior citizens


June 3


Nag-abot ng tulong pinansyal sa 140 senior citizens ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pangunguna ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula at ng Office of the Senior Citizens Affairs noong Hunyo 3, 2024, sa Function Hall ng New Imus City Government Center. Kinumusta rin nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula, Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at ng mga konsehal ang mga dumalong lolo at lola.