Matagumpay na ipinagdiwang ng Ospital ng Imus (ONI) ang ikaanim na anibersaryo mula nang
ito ay itinatag mula Oktubre 1–31, 2024.
More Info
Sa pangunguna ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at ng Tulong-
Eskwela Program ng Department of Social Welfare and Development, nabigyan ng tig-P3,000
tulong pinansyal ang humigit-kumulang 1,000 estudyante ng senior high school nitong Oktubre
31, 2024, na idinaos sa City of Imus Sports Complex.
More Info
Ginawaran ang Pamahalaang Lungsod ng Imus ng Silver Award ng Anti-Red Tape Authority
(ARTA) noong Oktubre 30, 2024, matapos makakuha ng 94.05% score na may katumbas na
Very Satisfactory Rating sa Report Card Survey (RCS) 2.0 ng nasabing ahensya.
More Info
Matagumpay na idinaos ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang pinakamalaking BOO-tiful
HalloWIN Party nito noong Oktubre 30, 2024, sa New Imus City Government Center.
More Info
Matagumpay ang pagdiriwang ng Imus Cooperative Week 2024 at ng National Cooperative Month nitong Oktubre 28, 2024, sa New Imus City Government Center, na pinangunahan ng City of Imus Cooperative, Livelihood & Entrepreneurial and Enterprise Development Office (CICLEDO).
More Info
Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex "AA" L. Advincula ang pagbubukas ng Ikalawang Imus City Franchise Expo nitong Oktubre 26, 2024, sa The District Imus.
More Info
Inaksyunan agad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang panawagang pagsaklolo ng humigit-kumulang 8,100 Imuseñong labis na naapektuhan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine noong Oktubre 24, 2024.
More Info
Personal na binati at kinumusta nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 444 Barangay Health Workers (BHW) sa ginanap na Community Health Worker Lecture Series on Health noong Oktubre 18, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.
More Info
Dumagundong ang Imus City Plaza sa naggagandahang tinig ng mga Imuseñong mang-aawit sa “Tanghalan ng Kampeon: Ating Awit, Angat sa Tinig” nitong Oktubre 11, 2024, kasabay ng bisperas ng Kapistahan ni Nana Pilar.
More Info
Opisyal nang binuksan sa publiko noong Oktubre 7, 2024, ang City of Imus Diagnostic Laboratory (CIDL) na kinikilala bilang kauna-unahang free-standing government-owned tertiary laboratory sa CALABARZON dahil sa microbiology section nito.
More Info
Nagpasiklaban ng talento sa pagsasayaw at pagsuot ng makukulay na kasuotan ang 400 lolo at lola sa pagdiriwang ng 2024 Elderly Filipino Week mula Oktubre 1–7, 2024, sa pangunguna ng City of Imus – Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA).
More Info
Pinangunahan nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pormal na pagbubukas ng Multipurpose Hall sa Brgy. Bucandala II at covered courts ng Grand Parkplace sa Brgy. Anabu I-B, ng Jade Residences sa Brgy. Malagasang I-C, at ng Green Park Villas I sa Brgy. Malagasang II-D noong Oktubre 4, 2024. Sinamahan sila nina Board Member Shernan Jaro, City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Imus, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr.
Kasabay ng pagdiriwang ng World Rabies Day 2024, idinaos ng Imus City Veterinary Services Office ang isang Veterinary Medical Mission, kung saan libre ang bakuna kontra rabies, deworming, microchipping, at pagbabasbas sa mga alagang aso at pusa, noong Oktubre 4, 2024, sa Brgy. Buhay na Tubig.
More Info
Nakatanggap ng mga pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa ginanap na Government Service Insurance System (GSIS) Stakeholders’ Dialogue sa City of General Trias, Cavite noong Oktubre 2, 2024.
More Info