City of Imus

2,440 siklista, lumahok sa kauna-unahang Shopwise Bike Fest



May 19



Umabot sa humigit-kumulang 2,440 batikan at baguhang siklista ang pumadyak sa kauna- unahang Shopwise Bike Fest noong Mayo 19, 2024, na ginanap sa Ayala Vermosa Sports Hub.

Tampok ang pitong kategoryang para sa lahat, layon ng pinakamalaking event na idinaos sa nasabing sports hub ang mahikayat ang publiko na magbisikleta.

Kabilang dito ang nasa 120 Imusiklistang nakatanggap ng libreng ride mula kina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula bilang pagsuporta sa pagiging aktibo ng mga Imuseño at mapagtibay pa ang samahan ng komunidad.

Ang Shopwise Bike Fest ay pinangunahan ng Shopwise at IRONMAN Group sa pakikipagtulungan sa Pamahalaang Lungsod ng Imus at sa Ayala Vermosa Sports Hub.