Ganap nang inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang online application ng business
permits sa muling pag-arangkada ng Electronic Business One-stop Shop (eBOSS) sa City of
Imus Sports Complex at sa New Imus City Government Center mula Enero 2–31, 2024.
More Info
Ginawaran ng sertipiko ng pagtatapos ang 17 trainees na matagumpay na natapos ang Career
Forward training ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng TaskUs nitong Enero 29, 2024 na
ginanap sa HR Training Room ng New Imus City Government Center.
More Info
Sa temang, “God’s Word: The Breath of New Life,” nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus
sa pagdiriwang ng National Bible Month 2024 nitong Enero 29, 2024 sa Function Hall ng New
Imus City Government Center.
More Info
Upang maprotektahan at mapaganda ang kalidad ng tubig na dumadaloy sa mga Ilog Julian at
Imus, binuo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, Maynilad, at Department of Environment and
Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR – EMB) CALABARZON ang
programang Bigkis-Tubig sa pamamagitan ng isang memorandum of understanding (MOU)
nitong Enero 29, 2024.
More Info
Opisyal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang iba’t ibang Information and
Communications Technology (ICT) Equipment mula sa Department of Information and
Communications Technology (DICT) nitong Enero 22, 2024 para mapalakas pa ang Tech4Ed
Digital Transformation Center na matatagpuan sa Imus City Public Library.
More Info
Pormal nang binuksan ang kauna-unahang Imus Super Health Center na matatagpuan sa
Legian II, Brgy. Carsadang Bago I nitong Enero 19, 2024, sa pangunguna ni City Mayor Alex
“AA” L. Advincula at sa tulong ng tanggapan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at ni
Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula.
More Info
Sa pakikipagtulungan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa
Pamahalaang Lungsod ng Imus, mas nabigyang-diin ang kahalagahan ng laban kontra iligal na
droga sa pamamagitan ng pagsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa ilalim ng kampanyang
“Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” nitong Enero 20, 2024.
More Info
Personal na kinumusta at pinagkalooban ng tulong ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 12 pamilyang biktima ng sunog sa Tokwahan, Brgy. Medicion II-B noong Enero 17, 2024. Kaagapay ang tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” Advincula at ang City Social Welfare and Development Office, nahatiran ang mga ito ng food packs, hygiene at sleeping kits, at tulong pinansyal. Patuloy na aalalay ang lokal na pamahalaan ng Imus para sa muling pagbangon ng mga nasunugan.
Personal na binati at hinandugan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng P100,000 at grocery package si Nanay Conchita Garcia na naninirahan sa Brgy. Pasong Buaya nitong Enero 17, 2024 sa kaniyang pagdiriwang ng ika-100 kaarawan. Kaagapay ni Mayor AA ang Office of the Senior Citizens Affairs at ang Imus Senior Citizens Association Incorporated sa kaniyang pagbisita. Ang paghahatid ng P100,000 sa mga Pilipinong nasa ika-100 taong gulang ay batay sa Republic Act No. 10868, o ang “Centenarians Act of 2016.”
Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagtanggap ng paunang 15 pabahay
sa ilalim ng Johnny C. Tan Gawad Kalinga (GK) Village Housing Project, Brgy. Alapan II-B
noong Enero 8, 2024 bilang kinatawan ng 15 pamilyang nakatakdang tumanggap ng mga ito.
More Info
Binisita ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang takbo ng mga proyektong pang- imprastrakturang isinasagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus. Unang sinuri ng alkalde ang bagong arko ng Imus sa boundary nito sa General Trias. Nakatakdang magtayo ng dalawa pang arko sa mga boundary nito sa Kawit at sa Bacoor. Sinuri din ni Mayor AA ang mga proyektong ginagawa sa likod ng New Imus City Government Center: mas maayos na parking lot para sa mga sasakyan, bagong multipurpose hall, at ang sarili nitong motor pool.
Kung ikaw ay napadaraan sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway, maaaring nakita
mo na ang bagong LED traffic signal poles at maging ang directional signages.
Ang mga ito ay mungkahi nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Congressman Adrian Jay
“AJ” C. Advincula tungo sa mas ligtas na pagbabaybay ng mga motorista sa mga daan sa Imus.
More Info
Pinangunahan nina Provincial Governor Jonvic Remulla, City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at
City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan ang inagurasyon at pagbabasbas ng mga bagong
tanggapan ng Regional Trial Court, Municipal Trial Courts, at Office of the Clerk of Court sa
dating Land Transportation Office (LTO) Compound sa Brgy. Palico IV nitong Enero 9, 2024.
More Info
Hinandugan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ng prosthesis leg si Gary Guevarra, 53 taong gulang, mula sa Brgy. Carsadang Bago 1 noong Enero 3, 2024. Sa tala, siyam na Imuseño na ang nabigyan ng prosthesis legs ni Mayor AA.