IMUS, Cavite — Sa pagtutulungan ng tanggapan ni Konsehal Atty. Wency Lara, ng Imus City Legal Office, at ng Imus City Civil Registrar’s Office, inilapit ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang libreng legal advice at ang aplikasyon para sa late birth registration noong Pebrero 9 sa Greengate Homes, Brgy. Malagasang II-A, at nitong Pebrero 24, 2023 sa Sarreal Village, Brgy. Bucandala II.
More Info
LIPA-MALVAR, Batangas — Nag-uwi ng tatlong parangal ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa kauna-unahang “Sulong CaLaBaRZon, Sulo ng Kalusugan: First Integrated Regional Awarding and Recognition” ng Center for Health Development–CaLaBaRZon ng Department of Health nitong Pebrero 14, 2023.
More Info
IMUS, Cavite — Kinilala ng Department of the Interior and Local Government IV-A ang Pamahalaang Lungsod ng Imus bilang isa sa mga Good Financial Housekeeping Passer para sa taong 2022. Patunay ito na maayos ang paggamit ng lokal na pamahalaan sa pondo ng bayan na isa rin sa mahahalagang aspeto para makatanggap ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Matatandaan na kamakailan ay kabilang ang lungsod sa 60 siyudad na ginawaran ng SGLG.
IMUS BOULEVARD — Inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang kauna-unahang ligtas na karera para sa mga siklista, o a safe criterium race, sa Imus na pinamagatang “IMUSiklista 2023: Bike Ko, Date Ko” nitong Pebrero 12, 2023, sa pagtutulungan ng Imus City Tourism and Development Office, Imus City Sports Development Unit, at CDS Offroad Playground.
More Info
IMUS, Cavite — Upang mapabuti pa ang pagbibigay-serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, 17 karagdagang service vehicles ang binasbasan noong Pebrero 10, 2023 bago opisyal na gamitin ang mga ito.
More Info
IMUS, Cavite — Isang gabing nabalot ng hiyawan at kantahan ang Imus, kung saan napuno ng ngiti ang mga labi at galak ang mga puso ng mga taong nag-iibigan.
Sa pagmamahal na gustong maipadama sa bawat Imuseño, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang mga programang nagpatunay na sa Imus, AAni ng Pagmamahal.
More Info
IMUS, Cavite — Una nang pinuntahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula at Senador Christopher Lawrence “Bong” Go nitong Pebrero 8, 2023 ang itinatayong Super Health Center sa Legian II-C, Brgy. Carsadang Bago I.
Nakatakdang magkaroon ng dental at laboratory services, gayon din ang birthing at isolation facilities sa nasabing Super Health Center.
More Info
IMUS CITY PLAZA — Umani ng lubos na pagmamahal ang pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining ngayong taon ng Pamahalaang Lungsod ng Imus na may temang “AAni ng Pagmamahal: Love ARTfair” sa buong buwan ng Pebrero.
More Info
IMUS CITY GOVERNMENT CENTER — Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng World Read Aloud Day noong Pebrero 1, 2023 sa pangunguna ng Imus City Public Library.
More Info