City of Imus

Ika-128 Anibersaryo ng Labanan sa Pasong Santol



March 24



Ginunita ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-128 anibersaryo ng Labanan sa Pasong Santol nitong Marso 24, 2025, sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa panandang pangkasaysayan nito na matatagpuan sa Brgy. Anabu 2-E at ang bantayog na inialay sa mga naging bayani ng labanang ito sa Brgy. Anabu 2-F.

Nanguna sa pag-alaala ang Office of the City Tourism and Heritage Officer, na pinangungunahan ni Dr. Emanuel R. Paredes, Pasong Santol Elementary School kasama sina Principal II Manuel Tagbago at Master Teacher II Ronald Sia, Boy Scouts of the Philippines, Girl Scouts of the Philippines, Anabu 2-D Barangay Captain Geraldo Lares, Anabu 2-E Barangay Captain Lorenzo Paredes, at Santiago Subdivision Homeowners’ Association.

Ipinamalas ni Heneral Crispulo F. Aguinaldo, panganay na kapatid ni Hen. Emilio F. Aguinaldo, at ang babaeng heneral na si Marcela Marcelo na tubong Malibay (Pasay), ang kanilang kabayanihan at katapangan nang pamunuan ang himagsikan sa Cavite noong Marso 1897.

Nasawi sa labanang ito si Marcela noong Marso 21 at si Crispulo noong Marso 24, 1897.