Sa pakikipagtulungan kina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, bumisita ang GMA Kapuso Foundation para maghandog ng anti-dengue kit sa humigit-kumulang 1,000 residente ng mga barangay Malagasang I-F at I-G noong Marso 11, 2025. Bahagi ng pangungumusta sa mga Imuseño sina Cavite Vice Governor Shernan Jaro, Board Member Ony Cantimbuhan, Imus Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Larry Boy Nato, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Yen Saquilayan, at dating konsehal Tito Monzon. Tinalakay ni City Health Officer Dr. Ferdinand Mina sa naturang programa ang kahalagahan ng pagsugpo sa mga lugar na maaaring pamugaran ng mga lamok. Pinapayuhan din ang publiko na mag-5s kontra dengue: Search and destroy mosquito-breeding sites; Seek immediate consultation; Say no to indiscriminate fogging; Self-protection measures; at Sustain hydration. Agad namang magpakonsulta sa pinakamalapit na health center kung makararanas ng mga sintomas ng dengue tulad ng: Mataas na lagnat sa loob ng 2 hanggang 7 araw Pananakit ng kalamnan at kasukasuan Panghihina Pagkawala ng ganang kumain Pamumula ng balat Pananakit ng tyan at pagsusuka Pagdurugo ng ilong at gilagid. Ayon sa datos, ang mga barangay Malagasang I-F at I-G ang may pinakamataas na bilang ng mga kaso ng dengue. Umabot na rin sa 585 residente sa Imus ang tinamaan ng dengue mula Enero 2025. Patuloy ang administrasyong Advincula sa pagsasagawa ng mga aktibidad kontra dengue. Ilan sa mga ito ay ang misting sa mga barangay at araw-araw na paglilinis ng Bantay Kalikasan, river rangers, at Engineering Action Team. #