Ipinagdiwang ng City of Imus Public Library ang ika-66 na Araw ng Pampublikong Aklatan sa pagpili ng mga bagong library ambassador noong Marso 10, 2025, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Mula sa 51 kalahok, hinirang ang bagong talaan ng mga ambassador na sina Jean Vollerie Boyles, Nark Jiether Magno, Jarel Ashton Aldaba, Cyrene Nicole Rivo, at Jhazmine Anne Santiago. Kabilang din sa mga bumati sa mga mag-aaral sina Officer-in-Charge (OIC) Lauro Monzon ng Office of the City Administrator, City Information Technology and Records Management Unit (CITRMU) OIC Engr. Christian Barco, gayon din ang mga hurado na sina Elaiza Lardizabal ng Office of the City Information Officer, Nelin Ilano ng Office of the City Tourism and Heritage Officer, at Krissel Andal ng CITRMU. Layon ng Search for Library Ambassadors ang mahikayat ang mga kabataang Imuseño, lalo na ang mga mag-aaral, sa mga serbisyo, programa, at aktibidad na ibinibigay ng pampublikong aklatan. Ayon sa Proklamasyon Blg. 663, taong 1959, ang araw ng Marso 9 ay Public Library Day. Tema nito ngayong taon ang “Public Libraries in Action: A Blueprint for an Empowered Community.”