Ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang ika-170 anibersaryo ng kapanganakan ni Kol. Jose S. Tagle noong Marso 18, 2025. Pinangunahan ng Office of the City Tourism and Heritage Officer ang pag-aalay ng bulaklak sa panandang pangkasaysayan ng koronel sa kanyang tahanan sa barangay Bayan Luma. Isinilang si Kol. Tagle kina Benito Tagle at Simona Santarin noong Marso 18, 1855, sa Bayan Luma. Isa siya sa mga naging susi ng pagkapanalo ng Himagsikang Pilipino at bahagi ng makasaysayang Labanan sa Imus noong 1896. Si Kol. Tagle ay nanilbihan bilang Gobernadorsilyo mula 1889 hanggang 1890 at kinalaunan ay Kapitan Munisipal mula 1895 hanggang 1896 matapos hirangin ni Hen. Emilio Aguinaldo bilang pagkilala sa katapangang kanyang ipinamalas. Namayapa si Kol. Jose S. Tagle noong 1910. #