Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Boy Scouts of the Philippines (BSP), ginanap ang pambansang paggunita sa Huling Parangal sa Watawat ng Pilipinas nitong Mayo 30, 2025, sa Dambana ng Pambansang Watawat, Imus Heritage Park, Brgy. Alapan II-B.
More Info
Kasama ang iba’t ibang sektor at ahensya, ipinagdiwang ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Ika-127 Anibersaryo ng Labanan sa Alapan at ang National Flag Day 2025 nitong Mayo 28, 2025, sa Dambana ng Pambansang Watawat, Imus Heritage Park, Brgy. Alapan II-B.
More Info
Bilang pakikiisa sa United States (US) Memorial Day nitong Mayo 26, 2025, nagbigay ng papugay ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pakikipagtulungan sa United States Retired Activities Office (USRAO) – Cavite, sa kabayanihan ng isang Imuseño at Medal of Honor Recipient na si Fireman Second Class Telesforo dela Cruz Trinidad ng US Navy sa pamamagitan ng pag-aalay ng bulaklak sa kanyang puntod na matatagpuan sa Imus Public Cemetery, Tahimik St., Brgy. Toclong I-A.
More Info
Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pamamahagi ng Office of the City Agriculturist ng 580 sako ng binhing palay at 150 sako ng urea fertilizer sa 130 magsasakang Imuseño nitong Mayo 20, 2025, na ginanap sa City of Imus Ecological Village. Sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ng Department of Agriculture, napalalakas ang pagtatanim at pag-aani ng mga magsasakang Imuseño. Patuloy rin ang administrasyong Advincula sa pagsigurong mayroong maayos na pagkaing makukuha ang mga Imuseño, gayundin ang pag-unlad ng agrikultura sa Imus.
Upang masiguro ang kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa Imus, pinangasiwaan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pagpupulong ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), City Peace and Order Council (CPOC), City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC), at Philippine National Police (PNP) Retooled Community Support Program – Counter White Area Operations (RCSP-CWAO) to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) noong Mayo 20, 2025, sa New Imus City Government Center.
More Info
Ngiting tagumpay ang gumuhit sa mga mukha ng humigit-kumulang 3,000 siklista sa ikalawang taon ng Shopwise Bike Fest nitong Mayo 18, 2025, na muling ginanap sa Vermosa, Lungsod ng Imus, Cavite.
More Info
Inihayag ng 191,949 na botanteng Imuseño ang kanilang boses sa nagdaang Halalan 2025 noong Mayo 12.
More Info
Nag-umpisa na noong Mayo 6, 2025, ang taunang “Tayo Na’t Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learners” ng City of Imus Public Library. Tinatayang humigit-kumulang 100 batang Imuseñong nasa ikatlong baitang hanggang ikaanim na baitang ang kalahok sa nasabing programa. Layon nitong matulungan ang mga batang hirap bumasa at intindihin ang kanilang mga binabasa sa loob ng isang buwan sa tulong ng volunteer teachers. Ang “Tayo Na’t Magbasa! A Library Reading Program for Struggling Learners” ay taunang isinasagawa ng pampublikong aklatan tuwing bakasyon ng mga batang Imuseño.