City of Imus

Pangangalaga sa kapaligiran, kapakanan ng mga kabataan, proteksyon sa mga kababaihan, kaunlaran ng mga nangangailangan pinagpulungan ng Imus LGU



March 4



Sa pangunguna ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, idinaos ang 1st quarter meeting ng City of Imus Council for the Protection of Children (CICPC), ang Saving Manila Bay Task Force, Solid Waste Management Board and Local Housing Board Joint Meeting, Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC), at 1st City Inter-Agency Meeting noong Marso 4, 24, at 25, 2025, sa New Imus City Government Center.

Sentro ng usapan ng CICPC ang reorganisasyon nito, alinsunod na rin sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 12, taong 2025, ang mga detalye ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa taong 2025, at ang pagbabalangkas ng Local Development Plan for Children para sa mga taong 2025–2027.

Tinalakay naman sa nasabing joint meeting ang mga pamilyang mahahandugan ng mga proyektong pabahay na kinabibilangan ng Gawad Kalinga, AAngat Residences, at ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH).

Napag-usapan din ang reorganisasyon ng City Solid Waste Management Board at ng Manila Bay Task Force, gayon din ang kalagayan ng Ecological Village at ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang water service providers.

Sa ginanap namang LCAT-VAWC Meeting, napag-usapan ang mga paghahandang isinasagawa para sa nalalapit na LCAT-VAWC Functionality Assessment.

Samantala, usapin sa 1st City Inter-Agency Meeting ang progreso ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), ang social welfare and development indicators, city action plan, at ang paggawa ng mga ordinansa at resolusyong mas makatutulong sa mga miyembro ng 4Ps.