Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex "AA" L. Advincula ang pagbubukas ng Ikalawang Imus City Franchise Expo nitong Oktubre 26, 2024, sa The District Imus. Sa pakikipagtulungan ng Imus Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO) sa Association of Filipino Franchisers, Inc., nakasama ang 21 negosyong maaaring i-franchise ng mga Imuseñong nais maging negosyante. Itinampok dito ang mga kwentong tagumpay ni Ate Rica ng Ate Rica's Bacsilog, ni Jay Gobson ng Dingara's Empanada, ni Dr. Edwin Bernabe ng Siomai House, at ni Jennifer Nuque na may-ari ng Egg Station at Shawarma King. Dinaluhan din ito nina Regional Director Marissa Argente ng Department of Trade and Industry (DTI) – CALABARZON, Provincial Director Lilibeth Chavez ng DTI – Cavite, President Jaime Tesora ng Philippine Chamber of Commerce and Industry – Cavite, President Annie Jarin ng Imus City Chamber of Commerce and Industry, Inc., City Administrator Larry Monzon, at LEDIPO Officer-in-Charge Jhett Vilbar-Lungcay.