City of Imus

Imus LGU kinilala bilang Outstanding Performing Agency ng GSIS



October 2



Nakatanggap ng mga pagkilala ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa ginanap na Government Service Insurance System (GSIS) Stakeholders’ Dialogue sa City of General Trias, Cavite noong Oktubre 2, 2024.

Iginawad sa lokal na pamahalaan ang Outstanding Performing Agency with the Highest Percentage Reduction on Unpaid Premium Receivables, at kinilala sa dedikasyon at patuloy na pagsusumikap upang maprotektahan ang mga pagmamay-ari ng lungsod para sa katatagan tungo sa isang ligtas na siyudad.

Ang mga natanggap na parangal ng Imus ay naging possible sa tulong ng Human Resource and Management Office at ng City General Services Office.