Personal na binati at kinumusta nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang 444 Barangay Health Workers (BHW) sa ginanap na Community Health Worker Lecture Series on Health noong Oktubre 18, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center. Tinalakay rito kung paano maitataas ang kamalayan ng publiko sa pangangalaga ng kanilang kalusugan, kahalagahan ng pagkakaroon ng kumpletong bakuna, tamang pangangalaga at pagpapasuso sa mga sanggol, karaniwang sakit ng mga bata at matatanda, wastong pagbibigay ng paunang lunas, mga binabantayang sakit, at paggamot sa mga taong umaabuso sa mga ipinagbabawal na gamot. Kabilang din ang pagpapatupad ng National Tuberculosis Program, Family Planning Program, at Animal Bite Treatment Program. Pinangunahan ang naturang oryentasyon ni Imus City Health Officer Dr. Ferdinand Mina at ng mga doktor ng Imus City Health Office. Bahagi rin dito sina Board Member Shernan Jaro, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Comia, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Darwin Remulla, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr.