City of Imus

1,000 senior high school students nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Imus LGU



October 31



Sa pangunguna ng tanggapan ni Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at ng Tulong- Eskwela Program ng Department of Social Welfare and Development, nabigyan ng tig-P3,000 tulong pinansyal ang humigit-kumulang 1,000 estudyante ng senior high school nitong Oktubre 31, 2024, na idinaos sa City of Imus Sports Complex.

Layunin ng programang Tulong Eskwela ang matulungan ang mga mag-aaral na kapos sa pera.

Bahagi rin ng programa sina Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Vice Governor Shernan Jaro, Konsehal Larry Nato, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Wency Lara, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Mark Villanueva, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Darwin Remulla, Konsehal Enzo Asistio, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr.