City of Imus

8 SPED schools, ginawaran ng appliances ng Imus LGU



November 4



Inihandog ng Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa pangunguna ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang mga bagong appliance sa walong eskwelahang mayroong special education (SPED) noong Nobyembre 4, 2024, sa Function Hall, New Imus City Government Center.

Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pormal na paghahandog sa bawat paaralan ng 13 appliances na binubuo ng gas range, microwave oven, 3-in-1 breakfast maker, refrigerator, air fryer, blender, washing machine, rice cooker, flat iron, smart TV, LPG with hose at regulator, portable butane stove, at apat na butane gas.

Ang mga naturang paaralan ay kinabibilangan ng Gen. Emilio Aguinaldo National High School, Imus National High School, Malagasang II Elementary School, Imus Pilot Elementary School, Gov. D.M. Camerino Integrated School, Bucandala Elementary School, Anabu II Elementary School, at Tanzang Luma Elementary School.

Samantala, iginawad naman sa 181 Imuseñong may kapansanan ang tulong pinansyal na nagkakahalagang P3,000 hanggang P5,000.

Personal din silang kinumusta nina Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, Konsehal Sherwin Lares Comia, Konsehal Lloyd Jaro, Konsehal Dennis Lacson, Konsehal Atty. Wency Lara, Konsehal Igi Revilla Ocampo, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Enzo Asistio, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr.