City of Imus

6,536 graduating SHS students, pinayuhan ng Imus LGU



November 15



Nagsagawa ng mga serye ng career talk ang Imus Public Employment Service Office (PESO) noong Oktubre 10 – Nobyembre 15, 2024, sa mga pampublikong paaralan sa Imus.

Sa tulong nina Provincial PESO Manager Rizalie Pinpin-Enero at Administrative Assistant IV Regine Velasco ng Imus PESO, ipinaliwanag sa 6,536 na grade 10 students ang mga tulong na maaaring maibigay ng pamahalaan, estado ng mga trabaho sa bansa, at pagpili ng maaari nilang tahakin sa kani-kanilang mga buhay.

Nagkaroon ng Career Guidance and Employment Coaching sa Gen. Tomas Mascardo National High School (NHS), Gen. Emilio Aguinaldo NHS, Hipolito Saquilayan NHS, Gen. Licerio Topacio NHS, Gov. D.M. Camerino Integrated School, at City of Imus Integrated School.

Samantala, idinaos ang Labor Education for Graduating Students sa Gen. Flaviano Yengko Senior High School (SHS), Gen. Pantaleon Garcia SHS, Gov. Juanito Reyes Remulla SHS, at Gen. Juan Castañeda SHS.

Kinumusta rin ang mga estudyante nina Sangguniang Kabataan Federation President Glian Ilagan, Konsehal Mark Villanueva, dating konsehal Tito Monzon, at Officer-in-Charge Jericho Reyes ng City of Imus Youth Affairs Office.