Pinangunahan nina Congressman Adrian Jay “AJ” C. Advincula at Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang paghahandog ng educational assistance na nagkakahalagang P5,000 sa 720 estudyante sa kolehiyo noong Nobyembre 14, 2024, sa Covered Court ng Dimasalang Subd., Brgy. Poblacion IV-C. Kasama rin dito sina Cavite Vice Governor Shernan Jaro, Imus City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, ang mga konsehal na sina Yen Saquilayan, Larry Nato, Dennis Lacson, Igi Revilla Ocampo, Mark Villanueva, Sherwin Lares Comia, Enzo Asistio Ferrer, Atty. Wency Lara Comia, at Darwin Remulla, dating konsehal Tito Monzon, at dating Liga ng mga Barangay President AJ Sapitan Jr. Naniniwala si Mayor AA na susi ang edukasyon sa mas maliwanag na kinabukasan para sa mga kabataang Imuseño. Bahagi ang Binhing Advincula Educational Assistance sa mga inisyatiba nina Mayor AA at Cong. AJ.