City of Imus

Pakikipagpulong ni Mayor AA sa mga lupon sa Imus



November 19-26



Pinangunahan ni Imus City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang mga pagpupulong sa iba’t ibang lupon ng lokal na pamahalaan ng Imus noong Nobyembre 19, 22, at 26, 2024, sa New Imus City Government Center.

Una nang nakipag-usap si Mayor AA sa mga miyembro ng Local Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC) noong Nobyembre 19, at tinalakay ang kasalukuyan at mga susunod na hakbang kaugnay ng laban upang mawakasan ang pang-aabuso sa mga kababaihan at maging sa mga bata.

Sentro naman ng talakayan sa Local Health Board nitong Nobyembre 22 ang mga pangkalusugang programang ipinatutupad at ipatutupad pa ng pamahalaan upang masolusyonan ang dengue outbreak at ang mataas na kaso ng mga Imuseñong may AIDS at HIV, gayon din ang patuloy na pagbabakuna sa mga paaralan, paghahatid ng libreng dental services, at ang buntis feeding.

Pinulong din ng alkalde ang City Peace and Order Council (CPOC), City of Imus Anti-Drug Abuse Council (CIADAC), Local Task Force to End Local Communist Armed Conflict (LTF-ELCAC), City Development Council, at City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa isinagawang Fourth Quarter Joint Council Meeting nitong Nobyembre 26, 2024.

Napag-usapan dito ang kasalukuyang kalagayan ng lungsod kaugnay ng kapayapaan at kaayusan, gayon din ang mga karagdagang plano para mapatibay pa ang kahandaan ng Imus sa mga sakuna tulad na lamang ng mga bagyo.

Sa parehong araw, kinumusta ni Mayor AA ang budget officers sa probinsya ng Cavite sa idinaos na quarterly meeting sa Function Hall, New Imus City Government Center. Pinagpulungan ng mga budget officer ang ilang mga isyu sa Commission on Audit, at nagkaroon din ng pagsasanay patungkol sa pagsusuri ng Barangay Annual Supplemental Budget.