City of Imus

Turnover ceremony ng 15 GK Village unit, dinaluhan ni Mayor AA



January 8



Pinangunahan ni City Mayor Alex “AA” L. Advincula ang pagtanggap ng paunang 15 pabahay sa ilalim ng Johnny C. Tan Gawad Kalinga (GK) Village Housing Project, Brgy. Alapan II-B noong Enero 8, 2024 bilang kinatawan ng 15 pamilyang nakatakdang tumanggap ng mga ito.

Ang naturang housing project ay may kabuuang 25 pabahay na nakalaan sa mga Imuseñong lubos na nangangailangan.

Dumalo rin dito sina Ms. Loy Tan – Timbie, Mr. Mark Timbie, Ms. Baba Tan – Tañada, Mr. Lernie Tañada, GK Admin Head Joey Moreno, GK Luzon Head Budoy Oquiñena, at GK Cavite Head Edgar Purificacion.

Tuloy-tuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Imus, sa ilalim ng administrasyong Advincula, sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang grupo at indibidwal upang matulungan pang umangat sa buhay ang mga Imuseño.