City of Imus

Inagurasyon ng bagong Regional at Municipal Trial Courts sa Imus, dinaluhan nina Mayor AA at Gov. Jonvic



January 9



Pinangunahan nina Provincial Governor Jonvic Remulla, City Mayor Alex “AA” L. Advincula, at City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan ang inagurasyon at pagbabasbas ng mga bagong tanggapan ng Regional Trial Court, Municipal Trial Courts, at Office of the Clerk of Court sa dating Land Transportation Office (LTO) Compound sa Brgy. Palico IV nitong Enero 9, 2024.

Inookupahan ng Regional Trial Court Annex ang dating gusali ng LTO Imus habang ginagamit ng Municipal Trial Courts in Cities ang dating gusali ng Imus Vocational and Technical School.

Ang pagbubukas ng mga sangay ng mga naturang tanggapan ay produkto ng pagkakaisa at magandang samahan ng Pamahalaang Lungsod ng Imus at ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.