City of Imus

ICT Equipment para sa Tech4Ed Center, tinanggap ng Imus mula sa DICT



January 22



Opisyal na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Imus ang iba’t ibang Information and Communications Technology (ICT) Equipment mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) nitong Enero 22, 2024 para mapalakas pa ang Tech4Ed Digital Transformation Center na matatagpuan sa Imus City Public Library.

Pinangunahan nina City Mayor Alex “AA” L. Advincula, City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, at DICT Regional Director Cheryl C. Ortega ang naturang ceremonial acceptance. Nakatanggap ang Lungsod ng 10 unit ng computer, kabilang na ang desktop accessories gaya ng headset, mini speaker, Wi-Fi adapter, at webcam, gayon din ang projector, CCTV camera package, printer, at barcode scanner.

Nakasama rin sa naturang seremonya si Provincial Officer Kenneth A. Benedicto at mga kinatawan ng ICT Literacy Competency and Development Bureau.

Ang Tech4Ed ay isa sa mga programa ng DICT na layong matulungang makasabay ang publiko sa makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ICT Center sa iba’t ibang panig ng bansa.