Sa temang, “God’s Word: The Breath of New Life,” nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pagdiriwang ng National Bible Month 2024 nitong Enero 29, 2024 sa Function Hall ng New Imus City Government Center. Pinangunahan ang selebrasyon ni Servant of God Chairman Rev. Ptr. Nilo Cangson at ng guest speaker na si Mr. Arnel De Pano na aktibong miyembro ng Kamuning First Free Methodist Church, isang Gospel artist, at two-time winner sa National Commission for Culture and the Arts – National Music Competitions for Young Artists. Nakasama rin sina City Vice Mayor Homer “Saki” T. Saquilayan, City Administrator Tito Monzon, City Local Government Operations Officer Joseph Ryan V. Geronimo, at Department Head Lauro D. Monzon ng General Services Office. Dinaluhan din ito ng mga kawani ng Pamahalaang Lungsod na nakiisa sa sayawan, kantahan, at pagdarasal na nakasentro sa banal na bibliya. Bahagi rin ng pagdiriwang ang isang audio-visual presentation na inihanda ng Imus City Information Office, at ang araw-araw na pagdarasal tuwing katanghalian. Itinalaga ang buwan ng Enero bilang National Bible Month at ang huling linggo nito bilang National Bible Week sa bisa ng Proclamation No. 124 taong 2017.